Hinangaan ng mga netizen ang galing ni Kapuso actress Julie Anne San Jose sa confrontational scene nina Padre Damaso at Maria Clara sa latest episode ng "Maria Clara at Ibarra" na umere nitong Miyerkules, Disyembre 28.
Ibinahagi ni Julie Anne na isa raw ito sa mga challenging scenes na nagawa niya sa MCI. Kaya naman nagpapasalamat siya sa patuloy na tumatangkilik sa teleserye.
"By far one of my most challenging confrontational scenes in MCI. Muchas gracias a todos sa walang sawang pagsuporta at pagsubaybay, xoxo," saad niya sa kaniyang Instagram post kalakip ang eksena nila ni Tirso Cruz III na gumaganap bilang si Padre Damaso.
Ang eksena ay ang pag-amin mismo ni Padre Damaso na anak niya si Maria Clara.
Sa comment section ngnaturang post, makikita ang mga pagbati at paghanga ng mga kapuwa artista dahil sa husay ng aktres.
Samantala, sa video clip ng naturang eksena na ipinost ng GMA Drama sa kanilang Facebook page, hinangaan din ng mga netizen ang pag-arte ni Julie Anne.
"That line "Sumpain nawa tayong lahat ng Panginoon" gosh that gave me chillsI love julia ann"
"Nangigigil ako sayo Damaso, pero bakit naaawa rin ako sayo!Ang galing lang ni sir Tirso Cruz III. Ang galing din ni Julie AnnGMA kayo na talaga ang Galing-Galing (dahil napaka impressive nyong lahat, di ko na tuloy alam kung anong sasabihin)"
"Ang bigat ng scene. Kudos to Ms. Julie Ann and Sir Tirso Cruz III. Ang gagaling!"
"Karapat-dapat talaga si Limitless star, Julie Anne San Jose sa role na Maria Clara.. nabigyan mo ng hustisya, deserve mo best actress award"
"The best episode. Best actress si julie. Grabe intense ang acting, nkakaiyak."
"galingg gnto ung arte na hindi OA pero ramdam mo ung galit."
"finally a big break for julie to really showcase her versatility in acting besides singing and dancing.... galing galing.... good choice for the mc role"
"Galing!! Best actress talaga ito!! Galing galing mo Julie Ann!!Bravo!!Bravo!!"
"I got goosebumps nung sinabi ni Clarita Ang supain nawa Tayo Ng panginoon"
"Award winning acting to,Congrats Ms.Julie Ann San Jose..."
"You totally gave the justice for that role julie"
"Ka hawd mohapak ug linya ni Miss Julie Anne San Jose!The emotions! Dalang dala! Kaya kaayo ang kabug at sa eksena! Partida, ga shifting pa nah from Tagalog to Spanish and vice versa! Kudos!"
"Yung gigil,firm ng boses,ang tagos sa pusong pag-iyak,,dalang dala mo kaming lahat MC,,Ms. Julie!!Napakahusay talaga ng casting,lahat napakahuhusay"
"Grabe Ang linyang Yun!!! Nakakapangilabot.well executed"
"GRABE NAKAKAKILABOT YUNG SCENE NA TOang Galing Galing"
"Grabe. Matindi. Galing mo dun Clatira. Nakakakabog ng dibdib"
"Grabe talaga umakting si Japs. Pati mata nangungusap"