Naging mainit ang mundo ng showbiz lalong-lalo na sa Kapamilya host na si Ferdinand Hipolito Navarro o mas kilala bilang “Vhong Navarro,” matapos muling buksan ni Deniece Cornejo ang kasong rape laban sa aktor.

Simula nang muling pagputok ang isyu laban sa aktor, ilang pangalan rin ng kababaihan ang muling nagsilitawan, na umano'y naging biktima rin nito.

Narito ang ilan sa mga kababaihan na nag-file ng kasong sexual assault laban kay Vhong Navarro:

Deniece Cornejo

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inilarawan ni Deniece ang kaniyang sarili bilang isang modelo, motivational o resource speaker, fashion stylist, at isang businesswoman na nakikibahagi sa isang online na negosyo na nagbebenta ng mga tunay na bag, alahas, at iba pa.

Larawan: Deniece Cornejo/FB

Unang nagkakilala sina Deniece at Vhong sa isang shoe brand event sa Makati mall, kung saan si Vhong ang celebrity endorser ng brand.

Enero 17, 2014, pumayag si Deniece na makipagkita kay Vhong para sa isang hapunan at inuman, ngunit sinabi umano sa kaniya ni Vhong na mas makabubuting magkita sila nang pribado para maiwasan ang mga tsismis. Sinabi ni Deniece na nangyari ang panggagahasa noong panahong iyon habang kinumpirma ni Vhong na nakilala niya si Deniece noong araw na iyon, ngunit sinabing consensual ang sumunod na pagtatalik.

Binaligtad kamakailan ng Court of Appeal o CA ang mga nakaraang resolusyon at sa halip ay pinagbigyan ang petisyon ni Deniece na muling buksan ang kaso.

BASAHIN: Court of Appeals, aprub sa muling pagsampa ng kaso ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

Roxanne Acosta Cabanero

Si Roxanne ay isang pageant contestant at nagsampa siya ng kasong rape laban kay Vhong noong 2014.

Ayon sa kaniyang affidavit, 20 years old siya nang makilala niya si Vhong sa isang noontime show noong 2010. Naniniwala siyang nakuha ng TV host ang kaniyang contact number mula sa staff ng show. Nang magsimula siyang makatanggap ng mga text message mula sa aktor, inamin niyang una siyang nakaramdam ng "kilig" at masaya na nakuha ang atensyon ng isang sikat na celebrity.

Nagsimula silang magpalitan ng text messages ni Vhong, hanggang sa napagkasunduan nilang magkita. Ayon sa kaniya, sinundo siya ng host sa isang hotel na tinutuluyan niya para sa isang beauty contest at nangyari ang panggagahasa umano sa loob ng sasakyan ng aktor.

Sinabi ni Roxanne na huli niyang isinampa ang kasong panggagahasa kay Vhong dahil wala siyang lakas ng loob noon at takot na mapatay.

Sumali si Roxanne sa Miss World Philippines 2014 ngunit umatras din para tumutok sa kaso, na kalaunan ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya at hindi pagkakatugma sa mga pahayag ni Roxanne.

Margarita ‘Mai’ Fajardo

Si Margarita ay isang stunt woman na nakatrabaho ni Vhong sa seryeng "I Love Betty La Fea," na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Ayon kay Margarita, ni-rape siya ni Vhong sa loob ng kaniyang sasakyan noong 2009 habang nasa isang location shoot para sa nasabing serye.

Ang body double ay nagsampa ng kasong panggagahasa laban kay Vhong noong Abril 2014. Ang kaso, gayunpaman, ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya mula sa kampo ni Margarita, lalo na dahil ang insidente ay nangyari umano sa lugar na maraming tao.

Kat Alano

Ang Filipino-British model, actress, TV host, at video jockey na si Kat Alano ay ipinanganak sa Birmingham, England, at isa rin siyang theater performer sa England at bumida siya sa mga dula ni William Shakespeare at "West Side Story."

Larawan mula sa Manila Bulletin

Nagsimula siyang magmodelo sa Pilipinas noong 2004, at kinoronahang Miss Batangas. Sa parehong taon rin na iyon, nanalo siya sa "VJ Hunt" ng Studio 23 kasama si Juddha Paolo. Pagkatapos nito, naging co-host siya ng variety show na "Wowowee."

Noong 2007, nanalo siya sa "VJ Hunt" ng MTV, naging host rin siya ng "VIP Pass" ng Cinema One.

Bagama't hindi pinangalanan ni Kat si Vhong bilang ang umano'y gumahasa sa kanya, inilarawan niya ang kaniyang harasser bilang "Rhymes with Wrong."

Ayon sa kaniyang mga post sa social media, "Rhymes with Wrong" ang nagdroga sa kanya, at nang siya ay mahilo at mawalan ng malay, hinalay na raw umano siya nito. Naalala niyang nakasuot lang siya ng T-shirt at jeans noon at sinabing nahirapan pang hilahin ng harasser pababa ang kaniyang pantalon.

BASAHIN: Kat Alano, may pinariringgan? ‘Either you stand with a rapist, or you stand with the truth’

Nakalista rin siya bilang ‘Katherine Alano,’na kabilang sa mga babaeng sumusuporta sa kaso ni Deniece laban sa aktor.