Tulad ng mga nakaraang taon, ang 2022 ay mabilis ding lumipas—mula sa pagbaba ng kaso ng Covid-19 hanggang sa unti-unting pagbalik ng mga nakasanayan. Bagama't halos imposibleng masubaybayan ang lahat ng nangyayari sa loob ng isang taon, narito ang listahan ng mga nakakabagbag-damdaming kuwento na siguradong magpapasaya, magpapaluha, o magbibigay ng inspirasyon sa atin:

Cum laude graduate, inalay ang tagumpay sa amang mangangalakal

“Para kay tatay.”

Iyan ang masasabi ng isang graduate na si Ross Leo Forbes Mercurio sa pagtatapos niya bilang cum laude sa kolehiyo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Inialay niya ang kaniyang tagumpay sa kaniyang amang may kapansanan at nangangalakal ng basura.

BASAHIN: ‘Proud katas ng kalakal!’ Cum laude grad, inalay ang tagumpay sa amang PWD na namamasura

Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneurship si Mercurio sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Lopez Quezon Branch, at may Latin honors pa.

Sa kabila ng edad na 64 at kapansanan ng kaniyang tatay, patuloy pa rin ito sa pangangalakal para lamang maipagpatuloy ng kaniyang anak ang pag-aaral at upang matustusan ang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.

“Una sa lahat, maraming salamat sa aking mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sa akin para ako ay makatapos sa pag-aaral lalong-lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kaniyang pagiging senior citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko,” ani Ross kalakip ang litrato niya sa naganap na graduation ceremony, gayundin ng kaniyang ama habang nangangalakal.

Mabuhay ka! Guro nagsilbing "Santa Claus" sa kaniyang mga mag-aaral

Isang guro na si Ma’am Melanie Figueroa, nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Hinaplanon National High School sa Iligan City, Lanao Del Norte, ang nag-viral matapos niyang isakatuparan ang Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral na may mahigpit na pangangailangan.

BASAHIN: Guro mula sa Iligan City, instrumento sa pagtupad ng Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Ma’am Melanie tungkol dito, aniya, tinawag niya ang proyektong ito bilang “My Christmas Wish.”

“Nagpo-post po ako ng mga wishes po ng mga piling estudyante para po ma-grant ang matagal na nilang wish at ma-grant ngayong Pasko. Nasa social media wall ko po ang mga wishes and ang nakaka-amaze lang po is seconds lang after ma-post marami ang gustong mag-grant sa wish,” salaysay ng guro sa Balita Online.

“Pumipili ako ng mga bata or students na ‘yong mga nangangailangan talaga. Tapos pinapa-wish ko sila kung ano ‘yong gusto nila na hindi maibigay ng mga magulang kasi walang pera.”

"Wala po akong hinangad kundi ipakalat po sa buong bansa o mundo na marami pa rin pong mga taong may mabubuting puso at gawa na handang tumulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan lalo na sa kabataan,” aniya pa.

Labis naman ang ikinatuwa ng guro matapos kumasa ng ilang netizens sa hamong mala-Santa Claus sa kabila ng napakataas na presyo ng mga bilihin. 

Hindi na bago kay Ma’am Melanie ang ganitong gawain dahil minsan na rin siyang naitampok sa Balita Online noong 2021, dahil naman ito sa kaniyang proyektong “Laptop para sa Pangarap,” kung saan namimili siya ng mga mag-aaral na karapat-dapat na mapagkalooban ng libreng laptop upang magamit ng mga ito sa kanilang online class, sa kasagsagan ng community quarantines noong 2020 hanggang 2021.

'Normal day lang': Mimiyuuuh sa kanilang Pasko noon, 'Super special' na ngayon

Isa sa mga pinakamatagumpay na vlogger at social media influencer ngayon si Jeremy Lomibao Sancebuche o mas kilalang" Mimiyuuuh". Unang nag-ingay sa online si Mimi nang mag-viral ang video niyang ‘Dalagang Pilipina’ na ginawan ng lahat ng kani-kanilang mga bersyon.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Mimiyuuhh ang mga lumang larawan sa loob ng tila isang stall, na may caption ng kaniyang paggunita ng Pasko sa Baclaran para magbenta, na agad namang umani ng halos 100,000 reaksyon.

BASAHIN: Mimiyuuuh, binalikan ang pagtitinda sa Baclaran tuwing Pasko: Inggit ako sa ibang pamilya

“I really felt ‘yung Christmas namin dati parang ‘di talaga special. Kasi parang every Christmas parang napi-feel ko po na parang obligated akong mag-work, magtinda kasi nga tutulong kami sa parents namin so ‘di kami nakaka-celebrate ng Christmas talaga, It’s just a normal day,” pagbabahagi ng online star.

Kung matatandaan, taong 2019 nang unang maging viral sensation si Mimiyuuh, at mula noon ay napanatili niya ang kaniyang katanyagan online sa kaniyang mga vlog at iba pang mga post sa social media, na ngayo'y madalas ng nakikipag-collaborate sa iba't ibang brand.  

Dagdag pa rito, ang vlogging din ang nagbigay kay Mimiyuuhh ng kakayahan upang makapagpatayo ng isang tahanan pati na rin ang pagbili ng kanilang sasakyan para sa kaniyang pamilya. 

“Sobrang nostalgic ng experience na ‘to sa akin. Kahit hindi naman bongga ang Pasko niyo, basta magkakasama kayo, nandoon na rin ang essence ng Pasko.”

Sa kasalukuyan ay tinatahak ng online star ang kaniyang karera upang maging isang fashion designer at recording artist.

Lolong inabandona, tinulungan ng magkakaibigang nakatambay

Nag-viral ang isang Facebook post ng isang netizen na si Shawn Mendoza matapos niyang ibahagi kung paano nila tinulungan ng kaniyang mga kaibigan ang isang matandang mag-isa at humihingi ng tulong sa sinumang may mabubuting-loob.

BASAHIN: Lolong inabandona raw ng mga anak sa Caloocan City, tinulungan ng magbabarkadang nakatambay

Ayon sa kaniyang post, Oktubre 10 bandang 2:00 ng hapon, habang nakatambay umano silang magkakaibigan sa Katuray St., Barangay 179 sa Amparo, Caloocan City, may nakita silang isang matandang sumisigaw at umaatungal sa sakit. Humihingi umano ito ng softdrinks, at dahil wala raw mapagbilhan nito, ay tubig na lamang ang kanilang naibigay.

Narito ang post ng netizen:

“No’ng una ay gusto pa naming matawa dahil akala namin ay isa lang itong normal na tao at lasing lang. Ngunit nang oras na lumapit kami para iabot ang tubig at para makita na rin siya ng malapitan ay doon na bumungad ang isa sa pinaka nakakalungkot na eksenang pwedeng makita ng dalawa naming mga mata. Sobrang nakakalungkot at nakakabigla. Nakahilata siya sa sahig ng walang saplot pang-ibaba, puno ng mga sugat at nababalot siya sa sarili niyang dumi mula talampakan pataas hanggang sa ulo,” aniya.

"Kaya’t habang pinapainom namin siya ng tubig ay sinubukan namin siyang kausapin, tanungin sa kung bakit nagkaganoon ang kalagayan niya, kung may may nag-aasikado ba sa kanya, o kung asaan naba ang pamilya niya. At sa mga sandali ngang iyon ay puro lang kami tanong, willing din naman siyang sagutin ang mga tanong namin at eto nga ang mga bagay na nalaman namin tungkol sa kaniya. Siya si ARMANDO VILLOTA, 7O+ years old at nagkaroon ng stroke dalawang beses, hiwalay sa asawa’t mayroong tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae at lahat silang tatlo ay napagtapos niya sa magagandang skwelahan at sa ngayo’y lahat sila’y nasa ibang bansa na. Hindi namin sigurado kung nasa Canada ba lahat ng anak niya, pero ang sigurado kami nasa ibang bansa silang lahat.”

“At matapos nga ‘yon ay tinanong namin siya kung kumusta ang pakiramdam niya at ang sagot niya nga’y ‘Para akong nasa alapaap.’ Na’ng marinig nga namin ‘yon ay kahit paano ay medyo nabuhayan kaming lima. At bago nga kami magsi-uwi ay sinigurado naming malinis na: lahat at nakakain na siya at dumating na nga ang oras nagpaalam kami kay tatay ng may mga ngiti sa muka baon ang pasasalamat na binigay niya sa amin.”

“Sa mga gusto pong magbigay tulong kay tatay Armando, ay maiging i-contact lang ako o ang mga kaibigan ko na naka-tag. Maraming Salamat!”

Guro mula Samar, kinarga ang baby ng estudyante para makapagpokus sa exam

Sumunod sa listahan ang isang gurong nagngangalang Andres Basa Sequito ng Samar State University, na nagsilbing pansamantalang 'pangalawang magulang' matapos nitong kargahin ang dala-dalang baby ng kaniyang mag-aaral upang makapag-pokus ang estudyante sa pagsusulit nito.

BASAHIN: Guro sa Samar, kinarga ang baby ng estudyante para makapagpokus sa exam

Ibinahagi ito sa TikTok at Facebook post ng isa sa mga mag-aaral niyang si Ezza Fatima Leonor Permaci.

“He is not only imparting knowledge as a teacher, but also giving his full understanding and kindness as a second parent. Sir Andres ‘Master’ Sequito everyone,” aniya sa caption.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Ezza, nanawagan siyang sana raw ay matulungan ng mga netizen si Sir Andres dahil ang kaniyang misis ay dumaraan sa kidney dialysis.

“May Chronic Kidney Disease po asawa niya. At nagda-dialysis po, sana din po matulungan siya.” ani Ezza.

Narito ang post ng netizen:

“I am, MR. ANDRES III SEQUITO, the husband of CYRIL M. NOFIES who is diagnosed with Chronic Kidney Disease Stage 5 secondary to Hypetensive Nephrosclerosis. I am knocking to your kind hearts right now with hopes to solicit any amount for us to afford her hospital bills and recurrent medications for her treatment,” ayon sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 21, 2022.

“It has been 3 weeks and 2 days since she was hospitalized from St. Paul’s to Samar Provincial Hospital, and right now she is currently admitted at EVRMC. I can’t meet both ends with the expensive medicines and treatment for her dialysis plus the fact that I am not able to attend her 24/7 in the hospital since I have to find possible ways to earn financial resources for her medications.”

“I can feel the exhaustion, and right now, what we are facing has cost us to suffer from being emotionally and physically drained. Slowly, I am selling my possessions since I lack potential options to afford the expenses. My wife has battled this sickness for a long time already, but I’ve never seen her giving up nor finding any reasons to stop fighting. We are NEVER LOSING HOPE.”

“Whatever amount you will give is much appreciated. Your generosity means a lot to my wife and to my family.”

Nanay, nakapagtapos ng kolehiyo sa paglalako ng gulay sa umaga, estudyante sa gabi

Inulan ng papuri ang isang ina mula sa Cebu na si Liezel Nudalo Formentera, matapos niyang patunayan na ang kahirapan ay hindi hadlang upang magkaroon ng maayos na edukasyon.

Natapos ng kursong Bachelor’s degree in Industrial Technology sa Cebu Technological University sa San Francisco sa Cebu si Nanay Liezel sa edad na 32.

BASAHIN: Cebuana nanay, nakapagtapos ng kolehiyo sa paglalako ng gulay sa umaga, pag-aaral sa gabi

Kumakayod sa pagtitinda ng gulay sa umaga, habang binubuno ang pag-aaral sa gabi. Kasabay nito, ang pag-aalaga sa kaniyang tatlong anak kaya hindi naging madali ang pag-abot sa kaniyang pangarap.

“Being a mother of three children, a vegetable vendor by day, and a student at night is not easy, but I thank God that he gives me strength in the midst of these circumstances,” mababasa sa kaniyang Facebook post, Setyembre 18.

Lubos ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniyang small business. Hindi man naging madali ang naging pag-aaral at pag-titinda ay nagsilbi itong inspirasyon upang matuto pa at magtiwala sa diyos.

Libu-libong netizens din ang nagpaabot ng pagbati at pasasalamat kay Liezel sa pagiging inspirasyon nito sa maraming tao.

Guro mula sa Laguna, may pa-classroom pantry para sa mga estudyanteng walang baon

Napapalakpak ang netizens sa inisyatibo ng gurong si Christian Obo mula sa isang pampublikong paaralan sa Calamba, Laguna, matapos niyang maglagay ng “classroom pantry” para sa mga estudyanteng walang kakayahang bumili ng pagkain tuwing recess, pananghalian, o walang dalang baon.

BASAHIN:Guro mula sa Laguna, may pa-classroom pantry para sa mga estudyanteng walang baon

Ayon kay Sir Christian, sa tulong ng ambagan ng kaniyang mga kaibigan at kakilala ay naging posible ang classroom pantry, na hango sa sumikat na Maginhawa Community Pantry ni Ana Patricia Non, noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya.

Kuwento niya, noon, naranasan niyang pumasok nang walang laman ang sikmura, kaya hangga't maaari ay ayaw niya itong mangyari sa kaniyang mga estudyante. 

“Mula taong 2017 ito na ang aking naging panata. Marami pa rin sa atin ang pilit bumabangon at ang bawat mag-aaral ay may kaniya-kaniyang kuwento, problema at suliranin na dala-dala, sa kabila nito ay patuloy na nagsisikap,” aniya sa Facebook post ng guro.

“Ang lahat ng ito ay hindi magiging ganap kung wala ang mga taong handang maging katuwang natin sa mga ganitong gawain.”

Pinasalamatan ng guro ang mga taong nakatulong sa kaniya upang maitayo ang classroom pantry.

Binatilyo, nagpadyak ng 2 buwan mula Bukidnon patungong Maynila para sa kaniyang lola

Ito ang kwentong umantig sa maraming netizens matapos magpadyak ni Niel Jay Matunding, sa halagang P700 ay naitawid niya ng dalawang buwan o 59 araw gamit lang ang ibinigay na bisikleta mula Mindanao hanggang Maynila para ilapit ang kalagayan ng kaniyang lola sa programa ni Sen. Raffy Tulfo.

BASAHIN:Binatilyo, nagpadyak ng 2 buwan mula Bukidnon patungong Maynila para sa kaniyang lola

Aniya sa naturang programa ang kalagayan ng kaniyang Lola Leonie, 86 anyos, na mag-isa niyang kasama at mag-isa siyang binubuhay sa tulong ng panlilimos.

Simula Hunyo, nang nilakbay ni Niel ang Surigao noong patungong Liloan hanggang sa marating niya ang San Juanico Bridge ng Leyte at Samar.

Sunod na tinungo ng binatilyo ang Allen Northern Samar hanggang sa marating ang Matnog at Bicol.

Mula Lupi Camarines Sur at nagpatuloy sa pagpadyak si Niel sa Calamba Laguna hanggang sa makarating na ng Maynila.

Kwento niya, hindi siya nakaligtas sa mga tambay na mapag-tripan.

Sa kabilang banda ay lubos din ang kaniyang pasasalamat sa tulong naman ng kapwa siklista, ilang kasundaluhan at kapulisan, sa pansamantalang pagkupkop sa daan.

Naantig naman maging si Tulfo na nangakong magbibigay ng tulong para sa mag-lola.

Estudyante, isinabit ang mga medalya sa amang di nakadalo sa moving up ceremony dahil sa trabaho

Tuwing buwan ng Hunyo, madalas ipinagdiriwang ang mga moving up at graduation ceremony. At dahil isa ito sa mga ‘di-malilimutang pangyayari sa buhay ng isang estudyante, mas makahulugan ito dahil matapos ang halos dalawang taong dulot ng pandemya ay napayagan na ang face-to-face na seremonya.

Kaya naman, marami sa mga netizen ang naantig sa kuwento ni Sheila Bartolaba Rebayla, 16 taong gulang, mula sa 1 Mapulog, Naawan, Misamis Oriental, matapos niyang puntahan ang amang si Leonardo Rebayla, isang construction worker, na hindi nakadalo sa kaniyang graduation ceremony dahil sa pagtatrabaho.

BASAHIN:Estudyante; isinabit ang mga medalya sa amang di nakadalo sa moving up ceremony dahil sa trabaho

Dahil sa halip na ikatampo ay lubos na inunawa ito ni Sheila. Kaya ang ginawa niya, siya na mismo ang nagpunta sa construction site upang ibida sa ama ang mga medalyang natanggap.

Ayon sa kaniyang post, buong-loob niyang inalaalay ang kaniyang tagumpay sa kaniyang amang walang sawang sumusuporta dahil sa mga sakripisyo at pagsisipag na ginagawa nito para sa kanilang pamilya.

“Although I am aware that I still have a long way to go, I want to thank you for always being our pillar of strength, cheerleader, and staunchest ally,” Ani Sheila sa caption ng kaniyang Facebook post.

Ganoon na lamang umano ang gulat ni Mang Leo nang mamataan ang anak sa construction site, at isabit nito sa kaniyang leeg ang kaniyang mga medalya. Napayakap na lamang sa kaniya ang ama sa tuwa.

Mapalad na nakapanayam ng Balita Online si Sheila na isang Grade 10 student. Ayon sa report, tatlong parangal ang natanggap niya sa kanilang moving up ceremony: Academic Excellence Award, General Excellence Award at Leadership Award.

“Fellow students, how can we ever thank our parents for giving us the financial and emotional assistance we require out of the kindness of their hearts? Being raised by our parents is not easy. We should honor and be thankful having them as our pillar of strength,” mensahe niya sa mga kagaya niyang nagsisikap sa pag-aaral.

“Let’s not overlook the challenges we overcame and the crucial life lessons we discovered while pursuing our study. Poverty is not the reason that we can’t achieve our dreams,” dagdag pa niya.

Ama, bitbit ang standee sa graduation ng yumaong anak

Naging usap-usapan naman sa social media ang uploaded video ng isang TikTok user matapos makuhanan nito ang isang madamdaming tagpo na nangyari sa isang graduation ceremony sa Koronadal City, South Cotabato.

Makikita sa video ang ama na bitbit ang standee ng yumaong anak niya na si Mark Sanchez, isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in English sa Marvelous College of Technology Inc.

BASAHIN:VIRAL: Ama, bitbit ang standee sa graduation ng yumaong anak

Nang dahil sa cardiac arrest, hindi na naabutan ni Mark ang araw ng kanilang graduation ceremony.

Ayon sa ulat, bago pa man mangyari ito, nakapag-post pa ang binata ng isang solicitation letter upang makapangolekta ng pondo para tustusan ang kanyang pangangailangang pinansyal.

“Hello everyone, I am Mark Sanchez, fourth-year BA English Student from Marvelous College of technology Inc.. Graduation is a dream come true to everyone it is a meaningful and memorable celebration that pays each students’ hard works and sacrifices. This year it is not the end of my journey as a student but it is a new chapter of my life to face new challenges,” ani Mark sa kanyang Facebook post.

“Hence, as one of the graduating class of year 2022, I am knocking your kind hearts to solicit your generosity as one of my benefactors to address our financial needs in making our graduation into reality. Any amount will be gratefully accepted. God bless us all,” dagdag pa ng binata.