Lagpas 600 na lang ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa nitong Disyembre 29.

Bukod dito, naitala rin ng Department of Health (DOH) ang aktibong kaso ng sakit na bumaba na sa 13,825 nitong Huwebes.

Sa kabuuan, nasa 4,063,316 na ang nahawaan ng Covid-19 sa Pilipinas.

Mas marami namang kaso ang naitala ng Metro Manila (3,983), sumunod ang Calabarzon o Region 4A (1,776), Central Luzon (874), Western Visayas (480), at Ilocos Region (346).

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Lumobo naman sa 3,984,159 ang nakarekober sa sakit, habang umabot na sa 65,332 ang nasawi sa sakit.