Makabibili na ng ₱250 kada kilo ng sibuyas ang publiko simula Disyembre 30 o sa bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista sa panayam sa radyo nitong Huwebes.

“Tayo po ay nakikipag-ugnayan pa sa ating mga market masters na we also have to give time doon sa ating mga tindera. Pero we are looking at December 30 or December 31 po kasi hinahabol natin bago matapos ang taon eh ma-implement natin ang₱250. Pero, siyempre po dahil gusto po natin na makasunod ang ating mga tindera, hinahanapan din po natin sila ngmagbabagsakng presyo sa kanila, sa kanilang mga palengke, para masunod po nila 'yung₱250,” sabi ni Evangelista.

Kamakailan, sinabi ng DA na umabot na sa₱720 ang kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Isinisi ito ng DA sa pagtaas ng demand nito at mataas na farmgate cost.

Aniya, malaki ang posibilidad na bumaba ang presyuhan sa merkado dahil sa inaasahang pagbaba ng farmgate price nito.

“Nagkaroon po kasi ng--ang institutional buyers po, medyo bumili sila sa mga magsasaka at a very high price dahil 'yun ang isa sa mga drivers kung bakit tumaas ang presyo ng farmgate, aside of course from the fact na may binabawi rin po ang ating mga magsasaka na mga natalo nila in the past," pagdadahilan pa ng opisyal.