Inaasahang papalo na sa mahigit kalahating bilyong piso ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin sa Biyernes ng gabi, Disyembre 30.

Batay sa jackpot estimates na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabatid na aakyat na sa tumataginting na mahigit₱512 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

Wala pa rin kasing nagwagi sa₱492,970,782.80papremyo ng UltraLotto 6/58 nitong December 27 draw, na may six-digit winning combination na36-44-43-50-12-06kaya’t lalo pang lumaki ang jackpot prize nito.

Mayroon namang 23 mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱120,000 para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

National

‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, batay pa rin sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa P56 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 sa gagawing pagbola sa Huwebes, Disyembre 29, habang P30 milyon naman saSuperLotto 6/49.

Patuloy namang inaanyayahan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang paboritong PCSO games, partikular na ng lotto.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa lotto dahil hindi man palaring maging manalo ay tiyak namang makakatulong ka sa kawanggawa.