Sinupalpal ng online star na si Donnalyn Bartolome ang isang komento ng isang netizen sa pinakahuling YouTube vlog nito matapos tila maliitin ng huli ang “pinagtrabahuang” content.

Paninita kasi ng ‘di nakilalang netizen, pag-aaksaya lang ng panahon ang pagbababad sa YouTube vlogs at hindi hiwalay dito ang mga content ni Donnalyn.

“Kada nood niyo may kita si Donnalyn at ibang vloggers. Ikaw ano meron? Mag-2023 na, ilang oras na naaaksaya sa’yo kakalibang?” saad ng pinatulang komento ng online personality.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tampok sa pinakahuling vlog ni Donnalyn ang ekslusibong pagrenta sa isang VIP club bilang flex rin nito sa laban sa kontrobersyal na pahayag noon ng kapwa online personality na si Xian Gaza.

Basahin: ‘Send bank account’: Donnalyn, handang bayaran ang P195K bill ni Xian Gaza sa isang VIP club – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang sa attendees ng magarbong party ang ilang kilala at nangungunang online creators kabilang na sina Sassa Gurl at Zeinab Harake.

Depensa ni Donnalyn sa walang-habas na paninita ng netizen: “Pag nag-release ng video hindi ba pinagtrabahuhan?”

Sunod na idinetalye nito ang mabusising proseso bago mailabas ang kaniyang vlogs online.

“Kada release ko ng video mag10-13 hours edit ako. To turn 6 hour long video materials into 18 minutes. Tapos 3 editors ko nag 3 days edit mga 8-10 hours a day for online editing, yung isa sakanila more than pa pag may revisions. 3 hours of my time for finalizations, pag may palpak pa sa render.. another 4-5 hours. Wag na natin simulan yung hours prep pa each content whewww. All that para may mapanuod ang subscribers.. at para may pangsweldo sa mga staffs like editors, videographers, event stylists atbp.,” ani Donnalyn.

“Tulong nga lang yun sa pasweldo kasi kulang pa madalas kikitain para mabawi ang ginastos sa content kasi gusto ko i-angat ang level ng content creation ng bansa kaya wag niyo kami inaano ni Sassa Gurl,” pagtatapos ng social media star.

Dinepensahan din agad ng libu-libong followers si Donnalyn dahilan para umani na ng nasa mahigit 41,000 reactions at 2,000 comment ang naturang post.

Si Donnalyn ay isa sa pinakakilalang internet stars sa bansa na may milyun-milyong followers sa iba’t ibang social media platforms.

Sa YouTube pa lang, nasa mahigit 9.58 million subscribers at mahigit 578 million lifetime views na ang inaani ng online star.

&t=639s