Naging makasaysayan para sa avid fans mula noon hanggang ngayon, ang naganap na reunion concert ng bandang "Eraserheads" na naghatid ng nostalgia sa lahat, na isinagawa sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City noong Disyembre 22.

Inawit ng frontman nitong si Ely Buendia, kasama ang mga kabandang sina Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raymund Marasigan ang ilan sa mga iconic at pinasikat nilang awitin, gaya ng "With A Smile,” "Magasin,” “Ligaya,” “Spolarium", at "Huling El Bimbo".

Eraserheads (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raymund Marasigan (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Nagtungo rin sa concert ang maraming celebrities gaya ng magjowang Vice Ganda at Ion Perez, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Karylle, Aiko Melendez at anak na si Andre Yllana, Beauty Gonzalez, at iba pa.

Karamihan umano sa mga dumalo ay mga "batang 80s at 90s".

Kaya naman, viral ang Facebook post ng isang netizen na si Regina Grace R. Banate, 34, mula sa Malolos City, Bulacan, matapos niyang ibahagi ang "takeaways" sa panonood at pagdalo sa naganap na concert. Umabot ito sa labindalawa (12).

Regina Grace at Mohammad Banate (Larawan mula kay Regina Grace R. Banate)

Masarap daw sa pakiramdam na karamihan sa mga dumalo ay edad 30 pataas, at talaga namang maaamoy na ang ilan ay gumagamit ng "Katinko" o isang uri ng minty ointment.

Wala rin daw nagkagulo, nagkasapakan, o nagbangayan. Malumanay ang pag-uusap ng lahat, lalo na sa mga bagay na hindi na dapat pinapalaki pa, dahil lahat naman ay nagbayad upang manood at mag-enjoy, hindi para maghanap ng basag-ulo.

In fairness din sa audience daw, walang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot gaya ng marijuana. Ang maaamoy sa paligid ay mga ointment at pain reliever; ang iba raw, pinag-uusapan pa ang pag-inom ng maintenance na gamot dahil lumalalim na ang gabi.

Chill lamang ang lahat at walang magugulo. Nagbibigayan pa umano ng pagkain at tubig. Ang ilan, kaya raw matulog nang nakatayo.

"Mahal ang ticket pero sulit na sulit" saad pa ng netizen.

Nasaksihan daw niya ang emosyunal na pag-awit ni Ely, at kahit nasa malayo ka, okay lang dahil ang sarap makikanta sa mga throwback songs na may kaakibat na magagandang gunita o alaala.

Nasabi pa ni Regina na para sa kaniya, the best pa rin ang generation ng 90s, na salat man sa dokumentasyon dahil wala pang social media noon, sapat na sapat na ang magagandang alaala ng nagdaan sa kanilang isip at puso, na muling ibinalik ng Eheads sa gabing iyon.

Aniya sa panayam ng Balita Online, talagang avid fan siya ng Eheads lalo na ang kaniyang mister na si Mohammad Banate.

"Mas matindi yung asawa ko. Hahaha. As in kabisado niya lahat-lahat ng kanta ultimo nakasulat sa mga album," aniya pa.

Ikaw, anong kuwentong Eheads mo?