Usap-usapan ngayon ang balak ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano na bumalik ng school upang mag-aral, sa darating na 2023.

Ayon sa panayam ng isang pahayagan, na-inspire daw ang lead star ng "My Teacher" habang shino-shoot nila ang pelikula, kaya naisip niyang bumalik sa pag-aaral habang isa siyang ina, asawa, social media personality, at TV host.

Bilang isang guro sa pelikula, napagtanto raw ni Toni na posible pa ring mag-aral anuman ang edad.

At kung babalik aniya siya sa pag-aaral, baka kumuha siya ng law-related course dahil namamangha raw siya sa batas at kung paano mag-usap ang mga kaibigan ng mister na si Direk Paul Soriano na pawang mga abogado, na siya namang nagdirehe ng My Teacher.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lahat daw kasi ng mga sinasabi ng mga abogadong kaibigan ni Direk Paul ay nakasalig sa batas, kaya bet niyang pag-aralan din ito.

Tanong naman ng mga netizen, preparasyon na raw ba ito upang pasukin ni Toni ang politika in the near future?