Pinaplanong higpitan muli ng gobyerno ang mga pumapasok na Chinese tourist sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa nasabing bansa.

Sa pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, dapat maging maingat ang bansa sa pagtanggap ng mga bisita, lalo na sa mga nagmumula sa bansa.

Iminungkahi ni Bautista na sumailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga Chinese na bumibisita sa bansa.

“In Hong Kong, they are now open butneed RT-PCRtest. We can also do that.We will look at what other countries are doing… Other ASEAN countries are also cautious in accepting Chinese visitors,” anang opisyal.

National

‘Siya unang dadalhin doon eh!’ FPRRD, mas dapat maghanda sa ICC – VP Sara

Nauna nang isinapubliko ng mga ospital sa China na umaabot na sa anim na beses ang dami ng mga dumagsang pasyente kumpara sa dati.

Kamakailan, inihayag ng isang airline na naka-basesa bansa na ibabalik na nila ang mga flight nito mula Manila hanggang Xiamen sa Enero 2023.