Bugbog-sarado ang isang international English Chef at restaurateur matapos nitong ipagtanggol ang umano'y hina-harass na anak na babae sa loob ng isang restaurant sa Cebu noong Disyembre 23.
Ibinahagi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pangyayaring ito sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Disyembre 28.
Ayon sa kaniya, pinagtulungan ng isang grupo ng mga lalaki ang biktimang si Jason Atherton matapos nitong ipagtanggol ang anak na babae dahil hina-harass umano ito habang nakapila sa restroom ng F Cafe and Bar.
Nais lamang umano ni Jason na humingi ng pasensya ang mga lalaking nangha-harass sa anak ngunit sa kasamaang palad, pinagtulungan siya ng mga ito maging ng mga bouncer at babaeng manager ng naturang restaurant.
"On the night of Dec 23, while in the F CAFE AND BAR with his WIFE and DAUGHTER, a group of guys BEAT him up. Worse, F BAR’S BOUNCERS held him down so JASON couldn’t fight back. The LADY MANAGER joined in the MELEE, even providing a bottle to beat him further, the whole time CONDEMNING him and ALL FOREIGNERS as TROUBLEMAKERS," kuwento ni Garcia.
"WHAT started it all? These guys were HARASSING his DAUGHTER, while she was waiting in line for the restroom. JASON asked them to APOLOGIZE, as any FATHER who LOVES his DAUGHTER would. Instead, they all ganged up on him, including F BAR’S PEOPLE," dagdag pa nito.
Matapos ang pangyayari, humingi ng pasensya si Garcia kay Atherton dahil sa insidente.
"Tonight, I told him, 'I’m so SORRY for what HAPPENED to you, JASON. I HOPE this will NOT CHANGE your FONDNESS for CEBU. Nor KEEP you from COMING BACK to CEBU'," sabi ni Garcia kay Atherton.
"He answered, 'Oh NO! It could have HAPPENED anywhere in the WORLD. In LONDON, or any OTHER PLACE.'" saad naman ng English chef.
Samantala, tila galit na galit pa si Garcia matapos nitong pasaringan ang mga bumugbog kay Atherton.
"This gracious, gifted man certainly DID NOT DESERVE the SHAMEFUL TREATMENT he got, RIGHT HERE, in CEBU. SHAME ON THOSE WHO HARRASSED JASON’S DAUGHTER THEN BEAT HIM UP!
"SHAME ON THE BOUNCERS AND LADY MANAGER OF F CAFE AND BAR! SHAME! SHAME!SHAME!"
Gayunman, wala pang pahayag ang F Cafe and Bar sa naturang insidente. Bukas ang Balita Online para marinig ang kanilang panig.
Si Jason Atherton, ayon sa paglalarawan ni Garcia, ay ginawaran ng Michelin Star para sa flagship restaurant nito sa loob lamang ng anim na buwan mula nang magbukas ito noong Abril 2011.
Bukod sa kaniyang mga restaurant sa London, pinapatakbo rin ni Atherton ang ilan pang mga restaurant sa Shanghai sa China, Dubai, Mykonos sa Greece , at St. Moritz sa Switzerland.
Nakapangasawa rin ito ng isang Cebuana na si Irha.