Mahigit P800,000 halaga ng shabu at marijuana ang nasabat sa ilang operasyon ng pulisya sa Caloocan at Quezon City nitong Martes, Dis. 27, at Miyerkules, Dis. 28.

Sinabi ng Caloocan City Police Station (CCPS) na ang unang tatlong suspek — sina Lolita Saavedra, 59; Robin Saavedra, 25, kapwa residente ng Marilao, Bulacan; at Noemi Ebacuardo, 28, ng Caloocan City — ay nakuhanan ng P340,000 halaga ng umano'y shabu sa isang buy-bust operation.

Inilunsad ng mga miyembro ng CCPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang entrapment laban sa mga suspek sa 12th Avenue sa West Grace Park, Barangay 71, Caloocan City dakong alas-6 ng umaga nitong Miyerkules.

Samantala, isang lalaking may dalang hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P117,000 ang nakuwelyuuhin din ng mga operatiba ng CCPS sa parehong araw.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Tanjuan, 30, ng Quezon City.

Nakorner ng mga tauhan ng CCPS na namamahala sa isang checkpoint sa Samson Road sa Brgy. ng 167 Llano sa lungsod ang motorsiklo ng suspek para sa inspeksyon.

Ayon sa pulisya, ipinaalam ng mga operatiba sa suspek ang nagpapatuloy na operasyon at hiningi ang kanyang driver’s license, mga dokumento sa motorsiklo at laman ng plastic na nakasabit sa hook ng kanyang sasakyan.

Mabilis na tumakas si Tanjuan ngunit hinabol ito at nakorner ng mga pulis. Nakumpiska sa kanya ang isang brick ng 975 gramo ng umano'y pinatuyong dahon ng marijuana.

Nasamsam din ng mga operatiba mula sa iba't ibang istasyon ng pulisya ng Quezon City Police District (QCPD) ang P355,640 halaga ng umano'y shabu at naaresto ang 10 suspek sa magkakasunod na buy-bust operation sa lungsod noong Dis. 27.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang lahat ng mga suspek.

Kakasuhan din si Tanjuan ng paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or his Agents) ng Revised Penal Code, sabi ng CCPS.

Aaron Homer Dioquino