Nabigo ng anti-narcotics operatives ng gobyerno ang pagtatangkang magpuslit ng mahigit P11 milyong halaga ng shabu sa Port of Clark.

Nakatanggap ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng impormasyon mula sa International Cooperation Foreign Affairs Service na maaaring naglalaman ng shabu ang isang pakete sa Port of Clark na nagmula sa Africa noong Nobyembre 17.

Nabatid sa ulat na ang pakete ay idineklara na naglalaman ng mga pares ng sapatos ngunit nang dumaan ito sa x-ray scanner ay natuklasang may kasamang mga bag na pinalamanan ng mga hindi pa natutukoy na kagamitan.

Nalaman ng mga awtoridad na ang parsela ay naglalaman ng mga nakatagong itim na pakete sa lining ng mga bag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lumalabas sa karagdagang pisikal na inspeksyon na mahigit isang kilo ng shabu ang nakabalot sa plastic, carbon paper at black duct tape.

Itinurn-over ng Bureau of Customs (BOC) sa PDEA ang mga nakumpiskang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang consignee mula sa Taguig City.

Chti Chavez