'The U in UST stands for Uniq…'

Viral ngayon sa social media ang post ng isang Tiktok user matapos niyang ibahagi sa video ang pagkakapare-pareho ng mga disenyo ng mga suot na damit ng ilang mag-aaral ng University of Santo Tomas.

Ang tinutukoy ng TikTok video uploader na si @briancroots ay ang green at red collared shirt na may disenyong chunky stripes mula sa Uniqlo.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Naging katuwaan naman para sa netizens ang nagkataong outfits ng mga Thomasians na animo'y kanilang "uniporme" para sa kapaskuhan.

"They are everywhere haahahahhaha."

"The U in UST stands for uniqlo hahahahaha," hirit ng isang netizen

"Polo shirt of the month."

“Are you wearing th… the green Uniqlo rugger polo shirt? Yeah, I am.”

"Bring Me ver na Uniqlo Stripped shirt para sa headcount 😭😭😭"

"Merry Christmas from samahan ng mga naka-uniqlo rugger polo shirt ph."

"Eyy rugger polo peeps HAHAHAHAHAHA" "Uniqlo nation!!!!"

"Hoyy binalak kong bumili ng ganyan kaso naalala ko ‘tong video. ang ending plain white polo shirt nabili ko hahahaha"

"I bet all of them got curtain bangs, tote bags, and circle glasses"