Naglabas ng kaniyang saloobin at pahayag ang aktres na si Agot Isidro tungkol sa naging resulta ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) "Gabi ng Parangal" na ginanap nitong Martes, Disyembre 27, sa New Frontier Theater in Araneta, Quezon City kung saan itinanghal na "Best Picture" ang "Deleter" ni Nadine Lustre.

Deleter din ang humakot ng mga parangal nang gabing iyon. Gatpuno Villegas Cultural Award ang natanggap naman ng "Family Matters" na pinagbibidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena, kung saan kabilang sa cast si Agot.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

https://twitter.com/agot_isidro/status/1607901950510792704

"About last night."

"Nagsama-sama ang pamilya Florencio kagabi except kay Mommy & Daddy. Umuwi na medyo disappointed na hindi napansin man lang ang iba't ibang aspeto ng aming pelikula," ayon sa tweet ni Agot nitong umaga ng Miyerkules, Disyembre 28.

"Although, Salamat sa Gatpuno Villegas Cultural Award. Much appreciated."

Ang nakatutuwa raw ay ang natatanggap nilang magagandang reviews at feedback mula sa mga netizen na nakapanood na nito.

"Ang nakakapagluwag ng aming dibdib ay ang messages of support, lahat ng glowing reviews, posts na hinihimay ang istorya, mga reaksyon pagkalabas ng sinehan."

"Hangad namin na ang mga aral na natutunan at natuklasan uli ay inyong isasapuso."

"Hindi bale, wala sa amin yun. If anything, dito pa lang sobrang panalo na kami."

"Maraming, maraming Salamat sa suporta. Inaasahan namin na mas marami pa ang manonood."

"Showing pa rin ang Family Matters sa more than 100 theaters. Kitakits tayo dun," ayon pa sa aktres.

https://twitter.com/agot_isidro/status/1607901953178370048