Iniutos ng Korte Suprema sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ibalik sa pamahalaan ang ₱83 milyong benepisyo ng mga opisyal at empleyado nito noong 2014.

Ito ay matapos pagtibayin ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission onAudit (COA) na nagsasabing bawal ang nasabing pasya ng PhilHealth na magbigay ngbenepisyo samga opisyal at kawani nito.

Sa naturang halaga, nasa ₱51.5 milyon ay para sa educational assistance allowance (EAA) na ibinigay sa mga opisyal at empleyado ng head office ng ahensya,₱27.8 milyong EAA ay para sa regional offices nito sa Rizal at sa Metro Manila at₱3.695 milyon naman bilang birthday gifts.

Gayunman, binanggit sa ruling ng SC na "unathorized" ito at dapat na ibalik sa gobyerno.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa naunang desisyon ng COA, kinuwestiyon nito ang pagbibigay ng benepisyo dahil wala itong pahintulot ng Pangulo at nakitaan pa ito ng paglabag sa mga batas.