Pitong bagong fireworks-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) dahilan para umabot na sa 32 ang kabuuang bilang nitong Miyerkules, Disyembre 28.

Ang pinagsama-samang tally ng mga kaso ay 39 porsiyentong mas mataas kaysa sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 23 kaso lamang.

Sa 32 kaso, pito ang naitala sa Western Visayas. Apat na kaso bawat isa ang naitala sa Bicol Region at Soccsksargen.

Sa kabilang banda, ang Central Visayas at ang National Capital Region ay may tig-tatlong kaso, habang ang Ilocos Region, Central Luzon, Mimaropa, at Davao Region ay may tig-dalawang kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Cagayan Valley, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region ay nakapagtala ng tig-iisang kaso.

“Labing-anim na kaso ang nagtamo ng mga pinsala sa mata habang dalawang kaso ang nagkaroon ng blast/burn injuries na may amputation. Dalawampu't tatlong kaso ang aktibong kasangkot. Dalawampu't dalawang pinsala ang naganap sa bahay habang sampu ang naganap sa kalye," anang DOH.

"Limang kaso ang sinasabing lasing sa alak sa oras ng pinsala. Apat na kaso ang naospital. No death was reported,” dagdag pa nito.

Ang pangunahing sanhi ng mga pinsala ay dahil sa paggamit ng boga, whistle bomb, five-star, kwitis, at camara, sinabi ng DOH.

“Umiwas sa paputok para maaaring magdiwang nang kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon,” paalala ng DOH sa publiko.

Analou de Vera