Dalawang babae ang sasalubong ng Bagong Taon sa loob piitan matapos silang arestuhin dahil sa hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Taguig nitong Martes, Dis. 27.

Inaresto ng mga miyembro ng Taguig police’s Drug Enforcement Unit (DEU) ang dalawang suspek sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Damayan Area Zone 3 sa Barangay Central Signal, Taguig dakong alas-11 ng gabi.

Kinilala ng Taguig police ang mga naarestong suspek na sina May-Ann Enon, 28, at Susan Cantape, 33.

Nasamsam sa mga operasyon ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 12.2 gramo na may karaniwang presyo ng droga na P82,960 at ang P200 na buy-bust money.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Ang mga narekober na ebidensya ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis habang isasampa ang reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,) laban sa mga suspek.

Jonathan Hicap