Target ng gobyerno ang hindi bababa sa 2.6-milyong dayuhang turista na darayo sa bansa sa susunod na taon, anang Malacañang.

“For next year, the DOT (Department of Tourism) said it targets 2.6 million international tourist arrivals in a low scenario, and 6.4 million in a high scenario,” saad ng Palasyo sa isang pahayag nitong Miyerkules, Dis. 28.

Ayon sa ulat ng departamento kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., may 2.4-milyong dayuhang turista ang dumagsa sa bansa ngayong taon.

Ibinahagi din ng ahensya ang mga plano at programa nito para sa 2023, kasama ang pangunahing hakbang nito na nakatuon sa connectivity, convenience, and e(Quality).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga hakbangin na ito ay nasa ilalim ng Seven-Point Agenda ng DOT na naglalayong paghusayin ang imprastraktura ng turismo, pagtatatag ng magkakaugnay na digitalization at koneksyon, pagpapahusay sa pangkalahatang karanasan sa turismo ng bansa at pagsasapantay sa product development.

Upang mapahusay ang koneksyon, sinabi ng departamento na susuportahan nito ang imprastraktura ng turismo na pinasimulan ng mga lokal na pamahalaan, buksan ang mga ari-arian ng Tourism Infrastructure at Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa pag-unlad sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs), bubuo ng Cruise Tourism na kinasasangkutan ng hindi bababa sa 136 ports of call sa mahigit 40 isla, magsagawa ng mga regional travel fair, bumuo ng mga tourism circuits at magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na nagpapahusay sa industriya ng turismo.

Sinisikap din ng DOT na mapabuti pa ang kaginhawahan ng mga dayuhang turista sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga tourism information desk at tourist rest area, pagpapahusay sa tatak ng Filipino ng kahusayan sa serbisyo, at pagpapabuti ng mga pamantayan sa akreditasyon upang matiyak ang pagiging mapagkumpitensya ng sektor ng turismo sa bansa.

Sa ilalim ng e(Quality) na inisyatiba nito, papahusayin ng DOT ang Philippine Tourism Brand campaign, isapinal at aaprubahan ang National Tourism Development Plan 2023-2028, ilulunsad ang Philippine Experience Program at bubuo ng Overwintering packages.

Plano din ng departamento na buksan ang Mindanao para sa turismo at isulong ang Halal na turismo, magsagawa ng pambansang job fair, at palawakin ang mga merkado ng oportunidad sa turismo.

Betheena Unite