CATANAUAN, Quezon -- Sugatan ang 12 katao nang bumangga ang kanilang sinasakyang trak sa concrete barrier nitong Martes ng tanghali, Disyembre 27, sa Brgy. San Roque ng bayang ito.

Tatlo ang lubhang nasugatan kabilang ang driver ng trak:Jose Mena Bisco, 67, driver at residente ng Barangay San Vicente sa bayan ng Gumaca; Rommer Ubana, at Julius Maisay.

Kinilala rin ang iba pang sugatan na sinaMarvin Fortuna, Dennis Macalalad, Rudy Ubana, Jessie de Luna, John Clarence Duabe, Isidro de Luna, John Loyd Laguador, Arfil Watiwat, Daniel Francisco at Mark Ican Dortora.

Ang mga biktima ay dinala sa Catanauan District Hospital.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa ulat, binabaybay ng Isuzu Elf na minamaneho ni Bisco ang kalsada ngCatanauan-Buenavista.

Pagdating sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol ang driver nang magka-problema sa preno ng makina, kung kaya'y bumangga ito sa concrete barrier sa tabi ng lansangan at nagresulta sa pagkahulog sa isang open line canal.

Dalawang motorsiklo naman na nakaparada sa gilid ng kalsada ang nabangga ng trak.

Samantala, kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.