Matunog ang usap-usapan ng mga netizen na ang maglalaban sa pagka-Best Actress ngayong 2022 Metro Manila Film Festival ay sina Nadine Lustre ng "Deleter" at "Heaven Peralejo ng "Nanahimik ang Gabi", dahil sa kakaibang performance na ipinamalas daw nila sa kani-kanilang movie entries.

Matatandaang sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas ng mga pelikula sa sinehan, nasa trending list na kaagad si Nadine.

Bago pa man ang araw ng Pasko, pinag-usapan na rin ng mga tao ang kakaibang role ni Heaven sa pelikula nila ni Ian Veneracion bilang isang "sugar baby". Ito kasi ang unang beses na nagpaka-daring sa isang pelikula ang aktres at marami ang nanggigil sa kaniyang "panghaharot" sa matinee idol na si Ian.

Magkakaalaman kung sino-sino nga ba at ano-anong mga pelikula ang hahakot ng awards sa "Gabi ng Parangal" na kadalasang ginagawa tuwing Disyembre 27.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'