Hiniling ng Department of Health (DOH) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na palawiging muli ang Covid-19 state of calamity sa bansa.

Sa isang pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagsumite na sila ng memorandum kay PBBM upang hilinging palawigin nitong muli ang state of calamity sa Covid-19, na nakatakda nang magtapos sa Disyembre 31.

Ayon kay Vergeire, ang paghiling sa ekstensiyon ay isinagawa nila matapos na hindi kaagad maipasa ang panukalang batas na lumilikha ng Philippine Center for Disease Prevention and Control, na siyang magpapatuloy ng mga programa ng bansa para sa Covid-19 response.

Sa ngayon aniya ay hinihintay na lamang nila ang opisyal na tugon ng tanggapan ng pangulo sa kanilang kahilingan.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Matatandaang Marso 2020 nang lagdaan ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922, na nagdedeklara ng state of public health emergency sa bansa, dahil sa Covid-19 outbreak.

Noong Setyembre, pinalawig na ni PBBM state of calamity sa bansa hanggang sa katapusan ng taong 2022.