Bagaman wala pang opisyal na mga numero mula sa komite ng Metro Manila Film Festival ngayong taon, iflinex na ng direktor ng “Deleter” na si Mikhail Red ang pag-ariba ng kaniyang pelikula sa ilang “major cinemas” sa bansa.

Sa isang Twitter post ngayong Martes, ito ang ibinahagi ng filmmaker base na rin aniya sa natanggap na tawag.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

https://twitter.com/MikhailRed/status/1607646518370250754

“Just got off an important call. 😲Something is happening. Is it true that Deleter is now number 1 top seller in more major cinemas around the country? We sold out noontime slots, some screenings people are sitting on stairs?” mga tanong ng tila ‘di makapaniwalang direktor.

Sa kaliwa’t kanang gross predictions sa pagbubukas ng film fest nitong Linggo, Dis. 25, sinasabing ang “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi, sa direksyon ni Cathy Molina-Garcia, ang ‘di natitibag sa unang puwesto pagdating sa ticket sales.

Basahin: ‘Partners in Crime’, ‘Labyu With An Accent’, trending; sold-out kaagad ang tickets sa ilang sinehan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang nga din sa listahan ng mga tumatabong entry ang “Deleter,” Labyu With An Accent,” at “Family Matters.”

Kaya naman hindi halos makapaniwala sa suporta si Mikhail sa pagdumog ng suporta sa kaniyang entry.

“We hoped DELETER would do well but this is a big surprise for all of us! 😭Thank you all for your support! Forever grateful 🙏Still processing this 😐,” aniya.

Dagdag niya, nangunguna sila sa ilang malalaking cinema ngayong Martes bagaman wala pang detalye sa kabuuang kita nito.

Nauna nang hinangaan at umani ng positibong komento mula sa maraming netizens ang palabas.

Basahin: ‘Stressful!’ Netizens, pinuri ang husay ni Nadine Lustre, buong ‘Deleter’ cast sa sold-out ding MMFF entry – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala sa nagpapatuloy na “Gabi ng Parangal” ng ika-48 Metro Manila Film Festival, apat na pagkilala na ang nahahakot ng “Deleter” kabilang ang “Best Sound, “Best Editing,” “Best Cinematography,” at “Best Visual Effects.”

Basahin: Nadine Lustre at Heaven Peralejo, magsasalpukan sa pagka-MMFF Best Actress? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid