Muling nanawagan ang pamahalaan sa mga Pilipino na magparehistro na sa Commission on Elections (Comelec) para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon.
Anila, isang pagkakataon ito na gamitin ang karapatan bilang botante na pipili ng mga susunod na hanay ng mga mamumuno sa komunidad.
Nabatid na hanggang Enero 31, 2023 ang deadline pagpaparehistro.
Abiso ng Comelec ang mga magpaparehistro ay dapat magdala ng isa o dalawang valid ID kagaya ng mga sumusunod: pasaporte, NBI clearance, national ID, postal ID, driver’s license, at iba pang uri ng valid ID.