Para kasi kay Mariel Padilla, sina “My Teacher” stars Toni Gonzaga at Joey De Leon ang best actress at best actor, ayon sa pagkakasunod-sunod. Matapos ang “Gabi ng Parangal,” isang minor award lang ang nauwi ng entry.

Paglalarawan na ng isang public group, halimbawa ng “expectation vs reality” ang naging resulta nga ng awards night kumpara sa hula ng TV host.

Basahin: Mariel, goosebumps sa reunion movie nina Toni, Joey; sinabihang OA at ‘plastic container’ ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bilang opisyal na resulta, sina Nadine Lustre ng “Deleter” at Ian Veneracion ng “Nananahimik Ang Gabi” kasi ang nakapag-uwi sa nasabing major awards.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Basahin: ‘Deleter’ star Nadine Lustre, wagi bilang best actress sa #MMFF2022 ‘Gabi ng Parangal’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Habang tanging “Gender Sensitivity Award” lang ang nasungkit ng “My Teacher.”

Narito ang kabuuang listahan ng mga nagwagi sa MMFF 2022 “Gabi ng Parangal” nitong Martes:

  • Best Float: My Father, Myself

    Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel - My Father, Myself

  • Best Sound: Deleter
  • Best Musical Score: Nanahimik Ang Gabi
  • Best Original Theme Song: Mamasapano: Now It Can Be Told
  • Best Visual Effects: Deleter
  • Best Production Design: Nanahimik Ang Gabi
  • Best Editing: Deleter Best Cinematography: Deleter
  • Gender Sensitivity Award: My Teacher
  • Stars of the Night: Nadine Lustre - Deleter; Ian Veneracion - Nanahimik Ang Gabi
  • Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award: Vilma Santos-Recto
  • Fernando Poe Jr. Memorial Award: Mamasapano: Now It Can Be Told
  • Gatpuno J. Villegas Cultural Award: Family Matters
  • Best Screenplay: Mamasapano: Now It Can Be Told
  • Best Supporting Actress: Dimples Romana - My Father, Myself
  • Best Supporting Actor: Mon Confiado - Nanahimik Ang Gabi
  • Best Director: Mikhail Red - Deleter
  • Best Actor: Ian Veneracion - Nanahimik Ang Gabi
  • Best Actress: Nadine Lustre - Deleter
  • 3rd Best Picture: Nanahimik Ang Gabi
  • 2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told
  • Best Picture: Deleter

“Matalino pero silent kunsintidor si Mariel. Nakakalungkot, dismayadong saad ng isang fan.

“Sorry Nadine pero panga ni Nadine ang nagwagi,” segunda ng isa pa.

“Minukbang ng ‘Deleter’ ang awards,” reaksyon ng isa pa sa paghakot ng materyal ni Mikhail Red ng patung-patong na pagkilala kabilang ang “Best Sound,” “Best Editing,” “Best Cinematography,” at “Best Visual Effects,” “Best Director” at “Best Picture” awards.

Usap-usapan din ngayong araw ang pangunguna na rin umano ng “Deleter” sa takilya

Basahin: MMFF bardagulan: Nadine, na-elbow na raw sa takilya ang tandem nina Vice at Ivana? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid