Magandang balita dahil magkakaloob ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa Rizal Day, Disyembre 30, Biyernes.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes, na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ng LRT-2 ay ipatutupad mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

“Bilang paggunita sa Rizal Day, may handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM,” anang LRTA.

Anito, aalis ang unang tren ng LRT-2 sa Recto at Antipolo Stations ng alas-5:00 ng madaling araw habang ang huling tren naman sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00 ng gabi at alas-9:30 ng gabi naman sa Recto Station.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na ang pagkakaloob ng libreng sakay ay bilang pakikiisa ng LRTA sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Kaugnay nito, pinaalalahanan rin naman ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa health, safety at security protocols para makaiwas sa Covid-19 at sakuna.