How true na isang pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival ang namahagi na lamang daw ng libreng tickets sa moviegoers, sa isang sinehan sa loob ng mall sa Quezon City para panoorin lamang ito?

Iyan ang ispluk ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ngayong Disyembre 27.

Aniya, mayroon daw isang film fest entry na ipinamimigay na lamang ang tickets sa mga gustong manood sing sine bandang 6PM sa Trinoma, ayon sa kaniyang source.

Lumabas daw ang balitang ito dahil sa isang kumakalat na screengrab ng group chat. Bukod sa libreng ticket ay libre pa raw ang popcorn at softdrinks. Iyon nga lang, kailangan nilang maghintay hanggang 9PM dahil ito ang oras ng screening nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gusto na lamang daw isipin ni Ogie na baka may isang fan na nagpa-block screening, o baka ang producer ng pelikula ang bumili para makahabol sa top 4.

Nagbigay ng clue si Ogie na ang pelikula raw ay may letrang "M" sa pamagat, as in "Mama".

Samantala, ngayong Disyembre 27 magaganap ang "Gabi ng Parangal" kaya sino-sino kaya ang mga magwawagi?