Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na nag-isyu na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para saCovid-19bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Vergeire na noong nakaraang linggo pa nailabas ang naturang EUA.

“Oo lumabas na last week. So mayroon tayong Pfizer, mayroon tayong Moderna bivalent,” ayon pa kay Vergeire.

Aniya, inaprubahan na rin ito ng Health Technology Assessment Council (HTAC), na siyang nagbibigay ng payo sa DOH hinggil sa mga bakuna laban saCovid-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang una nang sinabi ng DOH na target nitong gawing available sa Pilipinas ang naturang bivalent vaccines sa unang bahagi ng taong 2023.

Ang second-generationCovid-19vaccines ay mayroong kakayahan na protektahan ang isang indibidwal laban sa Omicron variant ngCovid-19.