Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 25 fireworks-related injuries mula nang magsimula ang monitoring noong Disyembre 21.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na limang katao ang nagtamo ng pinsala dahil sa paggamit ng paputok noong Disyembre 26 hanggang 27.

“Ang atin pong mga current na injuries sa paputok ay 25 na ngayon,” aniya sa isang press briefing nitong Martes, Dis. 27.

Basahin: 50% na pagbaba! Fireworks-related injuries nitong Bisperas ng Pasko, 5 lang — DOH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Last year at this same time period, meron tayong 22 cases. So, ang mga kaso natin ngayon ay 14 percent na mas mataas kaysa noong nakaraang taon,” dagdag niya.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ng DOH na dalawampu't tatlo sa kanila ay mga lalaki na may edad sa pagitan ng isa hanggang 64.

Binanggit din ng DOH na 13 kaso ang "nagtamo ng pinsala sa mata habang dalawang kaso ang nagkaroon ng blast/burn injuries na may amputation."

Analou de Vera