Malapit nang matapos ang taong 2022, ngunit ang mga istorya ay nananatili. Nagkaroon ng mga “mainit” na kuwento tungkol sa mga kilalang tao—mula sa hiwalayan, pangangabit hanggang sa mga alegasyon ng pisikal na pananakit. 

Narito ang listahan ng mga naging 'kontrobersyal' na showbiz isyu ng taong 2022:

Hiwalayang Kris Aquino at Mel Sarmiento

Kabilang sa mga maugong na usapin noon, ang isyu ng hiwalayang Kris Aquino at Mel Sarmiento, at ang kaniyang rebelasyon sa kalusugan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matatandaang tatlong buwan lamang matapos ianunsyo ni Kris ang kanyang relasyon sa politikong si Mel Sarmiento noong Oktubre 2021, ay kinumpirma ng media personality noong Enero 3, 2022, na naghiwalay na sila ng landas.

BASAHIN: Kris, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mel: ‘You will never read nor hear anything at all about him from me’

Ayon sa pahayag ng aktres, ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Mel ay ang mismong kalaban ng lahat—ang Covid-19. Ibinahagi niya ang ilan sa screenshots ng text messages sa kaniya ng dating fiance. Sinabi umano ni Mel na, “I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of.”

“You will be forever be in my heart,” dagdag pa niya.

Ang aktres ay hindi na muling nagsalita tungkol sa naturang isyu. Sa halip ay natuon ang kaniyang pansin sa pagpapagamot sa napakabihirang kondisyong medikal na nabibilang sa “autoimmune disease.”

Sa kasalukuyan, nasa United States si Kris, kasama ang kaniyang mga anak para sa kanyang gamutan. Patuloy naman siyang nagbibigay ng update sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

'Unfaithful' husband Jason Marvin Hernandez kay Moira Dela Torre 

Abril ngayong taon nang unang kumalat ang usap-usapan ukol sa hiwalayan ng dalawa.

Mayo 31, nang kinumpirma ng Kapamilya singer na si Moira Dela Torre at ni Jason Marvin Hernandez na tinapos na nila ang kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

BASAHIN: Jason, inaming naging ‘unfaithful’ kay Moira; celebrity couple, hiwalay na

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” ani Jason sa kaniyang Facebook post.

Pagbabahagi ni Jason, inamin niya sa singer na nangaliwa siya sa kalagitnaan ng kanilang relasyon.

Aniya, “3 years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better,” dagdag niya.

Humingi rin siya ng tawad sa singer at sinabing, “From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Samantala, inamin ng singer sa segment ng “Magandang Buhay” na kinuwestyon niya ang kaniyang sarili pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Pagbuhay sa kasong rape ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

Isa sa mga nakagugulat na balita ngayong taon ang resuscitation ng legal na pakikipaglaban ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo.

Matapos ang ilang taon, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang muling pagsasampa ng kasong rape and acts of lasciviousness laban sa actor-dancer-TV host na inihain laban sa kaniya ni Deniece, matapos itong maibasura ng Department of Justice (DOJ).

BASAHIN: Court of Appeals, aprub sa muling pagsampa ng kaso ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro

Matatandaang nagsimula ang kasong ito noong 2014, matapos ang paratang ni Deniece sa aktor ng attempted rape. Na-involve sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at mga kasama nito matapos umanong bugbugin ang comedian-TV host sa condo unit sa Bonifacio Global City.

Hulyo ngayong taon ng i-reverse ng Court of Appeals (CA) 14th Division at isinantabi ang mga naunang resolusyon ng DOJ noong 2018 at 2020, na nag-dismiss sa reklamo ni Deniece noong 2014 na nag-aakusa kay Vhong ng tangkang panggagahasa.

Sumuko ang aktor sa NBI noong Setyembre 20, matapos siyang utusan ng Taguig court na arestuhin, at noong Nobyembre, inilipat siya sa Taguig City Jail mula sa pasilidad ng National Bureau of Investigation.

Samantalang nitong Disyembre, ipinagkaloob ng korte sa Taguig ang petisyon sa piyansa ni Vhong, na nagpapahintulot sa kanya na magbayad ng P1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Zeinab Harake, Skusta Clee 'cheating' issue at ‘rebelasyon’ ni Wilbert Tolentino

Tapatang isiniwalat ng internet celebrity na si Zeinab Harake, sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, ang pangangaliwa ng rapper na si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilalang “Skusta Clee,” na siya umanong naging dahilan ng kanilang breakup.

Nangyari daw ito noong buntis siya sa kanilang pangalawang baby na si Moon—na naging dahilan ng kaniyang miscarriage.

Samantala, isa rin sa maituturing na “pasabog” na isyu ngayong taon sa social media ang alitan sa pagitan ng talent manager na si Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Trending sa social media ang video ni Tolentino na may pamagat na, “ANG REBELASYON” noong Oktubre 23, 2022, na nakatabo ng mahigit 10 million views sa Facebook—wala pang 24 na oras mula nang ma-upload ito.

Aminado naman si Zeinab na nagawan niya ng mali ang kapwa online creators at showbiz personalities kabilang na sina Robi Domingo, Jelai Andres, Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Sanya Lopez at iba pa.

Sa isang Facebook live, humingi naman ng dispensa si Zeinab sa mga “dawit” na isyu.

Carla Abellana, Tom Rodriguez: Nangyaring marriage, divorce wala pang isang taon

Sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay nag-date ng pitong taon bago sila nagpakasal noong Oktubre 2021. Kaya laking gulat ng mga taga-hanga nito nang noong Pebrero, halos apat na buwan pa lamang ng kanilang kasal, nagsimulang umikot ang mga haka-haka na ang bagong kasal ay nahaharap sa mga problema.

Ilang araw pagkatapos ng maaanghang na pahayag ni Carla kaugnay ng kanilang hiwalayan, naglabas naman si Tom ng pahayag tungkol dito. Depensa niya, si Carla ang “sumuko” sa kanilang relasyon, sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng aktor na isalba ang kanilang relasyon.

Kasalukuyang naninirahan ang aktor sa America at isa nang American citizen–dahilan kung bakit siya nakakuha ng divorce decree sa United States. Gayunpaman, ang dating mag-asawa ay kailangang maghain ngpagkilala sa dayuhang diborsiyosa korte sa Pilipinas para magkabisa ang dissolution ng kanilang kasal sa Pilipinas.

Ana Jalandoni sa mapang-abusong relasyon kay Kit Thompson

Inaresto ang aktor na si Kit Thompson noong Marso 18 dahil sa umano'y pagkulong at pananakit sa kanyang kasintahan na si Ana Jalandoni.

Matatandaang naligtas si Ana matapos itong tumawag sa mga awtoridad mula sa isang hotel sa Tagaytay City. Sa isang press conference, ibinunyag ng aktres na nagsampa siya ng mga reklamo ng karahasan laban sa kababaihan, illegal detention, at frustrated homicide laban kay Kit.

Sa isangtell-all interviewnoong Abril, ibinunyag ni Ana na bago ang insidente sa Tagaytay, naging verbally at physically abusive ang aktor sa kanya, lalo na kapag ito ay lasing.

Aminado si Ana na hindi siya naalarma sa mga unang signs ng aktor dahil naniniwala siyang matutulungan niya itong magbago.

Sinabi rin ni Ana na patatawarin niya si Kit "sa oras."

Bagaman may natitira pang pag-ibig para sa aktor, desidido si Ana na hindi niya ito babalikan dahil hindi siya sigurado na magbabago pa ang aktor.