Pinuri ng news anchor/journalist na si Anthony Taberna ang pelikulang "My Teacher" nina Toni Gonzaga at Joey De Leon kasama pa ang tambalang Ronnie Alonte at Loisa Andalio, ilang araw bago pa maipalabas ang pelikula sa mga sinehan nitong araw ng Pasko, Disyembre 25.
Ayon sa ulat, sinabi ni Ka Tunying na maganda ang naging lesson ni Teacher Emma (karakter ni Toni) sa naturang pelikula, na sana raw ay maging lesson din para sa lahat.
"Ang ganda ng subject ni Ma'am Emma. It's about communication. Talagang dapat matuto tayong mag-communicate sa isa't isa. Magulang sa anak, estudyante sa titser, mga magkakaibigan."
"Ang laking bagay talaga ng komunikasyon," aniya pa.
Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon sa social media ang mababang review ratings na nakuha ng pelikula sa "Goldwin Review", na nakakuha lamang ng 2 out of 5 stars.
"Upfront bullying, grades tampering and school politics are present, but no satisfying counteraction was presented. It’s just there to add some spice and additional conflicts," bahagi ng review.
"The team-up between Toni Gonzaga and Joey de Leon is underutilized. They have a very little chemistry in this movie."
"The movie excels whenever the teacher is consistently being portrayed as a human being who helps other people. And they have a lot of those moments."
"In those moments, there’s tenderness and compassion. In those scenes, there’s a teacher and a friend."
"The earnest scenes, scattered throughout the movie, are enough to make you appreciate what the movie can really offer."
"The last few messages are a good summary to the whole movie. The story’s conclusion is somehow fitting to the title afterall."