Tila umasa pa ang maraming Pinoy fans sa pagbabalikan ng dating onscreen at offscreen couple na sina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo base sa reaksyon ng mga ito kasunod ng kumpirmasyon ukol sa bagong pag-ibig ng aktor.

Bagaman marami ang masaya para sa Korean superstar, hindi maiwasan ng maraming Pinoy na malungkot pa rin kasunod ng tila malinaw na senyales sa pagtatapos ng Song-Song era.

Basahin: True nga! Korean star Song Joong-Ki, ibinalandra ang non-celeb girlfriend sa Singapore kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaliwa’t kanang Pinoy-run hallyu pages ang agad na nagbahagi ng balita nitong Lunes dahilan para umani agad ito ng sari-saring reaksyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sakit naman sa umaga!” komento ng isang Pinoy netizen sa isang post ng Facebook page na Koreanology.

“Huhuhuuuuu it hurt but I’m happy for them!” segunda ng isa pa.

“Wala na pag-asa yung Song-Song Couple ko,🥺🥺” nalulungkot na reaksyon ng isa pang Pinoy K-drama fan.

Kung bibisitahin ang isa pang nangungunang Korean content page na Saranghaeyo Oppa, bumuhos rin ang iba’t ibang saloobin ng fans ukol sa balita.

“Hindi man lang ako nasaktan. Hindi ko naalala si big boss at beauty. Hindi ko pinatugtog ang 'You are my everything' ni Gummy. Hindi ko ni-revisit ang mga pictures nila together. Grabe saya pala,” tila taliwas na paglalarawan ng isang netizen sa kaniyang nararamdaman habang binalikan ang popular na 2016 hit series na “Descendants of the Sun” ng Song-Song couple.

“Yung kitang kita mo yung pain sa mga mata at mukha ni Kyo, even sa mga new dramas nya, tapos 2021 pa pala my bago na. Ang bilis mag move-on ah? Their marriage is really just a joke, after all. Goodluck and hope that it will not end up in another short term marriage again,” dismayadong reaksyon ng isa pang fan.

“Song-Song couple [is] now over, as a fan it hurts! :<”

“’Di naman masakit!”

“Kung saan masaya si Joong-ki!”

“Move on na talaga tayo!”

Gayunpaman, marami rin ang naniniwalang karapat-dapat ding sumaya ng Korean actor dahilan para all-out pa rin ang kanilang pagsuporta dito.

“So happy for you Ki. Keep being the main lead to the dramas you're into. We are here to support you always!!💚💚

“If you are watching REBORN RICH he is blooming…now we know he is INLOVE😍😍🥰❤️

“Love finds you in the strangest of places, it requires constant work, a good ear, and the patience of a saint. It is well worth it, I bid you your faith, hope and love.”

“He deserves to be happy. Congratulations Joongki.❤️

Matatandaan ang ikinagulat na dibursyo ng aktor sa dating onscreen at offscreen partner na si Song Hye-Kyo noong 2019, dalawang taon lang matapos ikasal noong Hulyo 2017.

Pagkakaiba sa kanilang personalidad ang naging dahilan ng pinag-usapang hiwalayan, anang ahensya ni Hye-Kyo noon.