Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga naitalang fireworks-related injury (FWRI) sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, nabatid na kahapon, Disyembre 25, ay umabot na sa 15 ang naitalang bagong FWRI cases mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ito ay kasing dami na ng naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

"Mula kahapon, Dec. 25, labinlima (15) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals. Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa dalawampu (20), kasindami ng naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa," anang DOH.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang DOH na umiwas sa paputok upang maging kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Bagong Taon.

"Umiwas sa paputok para maaaring magdiwang nang kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon!" anito pa. "Iwas Paputok para sa isang #LigtasChristmas sa Healthy Pilipinas!"