Bakit nga ba hindi na aktibo sa kaniyang vlogging venture ang kilalang content creator na si Benedict Cua? Ilang mga napagtanto ng online personality matapos mapagod sa kaliwa’t kanan at magarbong vlogs, parehong sinang-ayunan, ikinalungkot ng netizens.

Ito ang matutunghayan sa diretsang pagpapahayag ng kaniyang saloobin ni Benedict kamakailan kasunod ng isang TikTok content na sapul aniya sa kaniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Even as a content creator, as a vlogger, gusto ko lang i-share cause it’s pretty much the same as when you exposed yourself on social media and you see all your friends, and people that you follow na ang dami nilang nakukuha sa life nila. Ang dami nilang milestone. Ang dami nilang nabibili para sa sarili nila and instead na ma-motivate ka, it actually sucks the joy out of you and parang napi-feel mo na there’s so much that you lack; there’s so much that you’re missing out in your life,” pagsisimula ng content creator.

“I understand we all have our own ways to deal with our insecurities pero dito mo malalaman kung gaano kalaking impact ‘yung nabibigay sa’yo when you look at the things that you are exposed to every day,” dagdag na pagdidiin ni Benedict sa malawak at malalim naimpluwensya ng social media lalo na ngayong online generation.

Sunod na ibinahagi nito ang naramdamang pagkapiga niya ng dahil sa marahas aniyang pagbabago sa vlogging industry.

“Nagkaroon ako ng ganiyang phase sa YouTube, sabi ko, ‘Parang pabonggahan na.’ Kailangan bumili ng ganiyan. Kailangan ipakita ko ‘yung bagong ganiyan. Kailangan production level na ‘yung mga vlogs. Parang naisip ko: ‘Di na masaya. Ayoko na mag-vlog kaya andito ako sa TikTok palagi,” ani Benedict.

Saad pa niya, nawala na umano ang tunay na saysay ng pagba-vlog na online diary lang dapat sa esensya.

Dito na sunod na umano susubukin at didiktahan ang content creators para lang makakuha ng atensyon online.

“Alam mo naman kung paano magkaroon ng clout, ng views ‘di ba? Madali lang naman ‘yun pero hindi mo magawa kasi hindi ikaw ‘yun. Constantly, nacha-challenge ka,” ani Benedict.

“My point is, I needed to reframe what happiness means and how I could transfer it to other people. Hindi ako nagpapaka-pick me dito, sinasabi ko lang [na] may realizations ako na because of the video that I watch na sobrang nag-hit sa akin.”

Paglilinaw ni Benedict, hindi rin aniya intensyon na magreklamo bagkus ay nais niya lang din masagot ang mga motibasyon ng mga kinukonsumong online contents.

Sa huli, humingi ng tawad ang online personality sa kaniyang followers na maaari aniyang nauwi rin sa parehong reyalisasyon dahil sa kaniyang vlogs noon.

Samantala, kaliwa’t kanang pagsang-ayon ang inani ni Benedict mula sa maraming netizens ukol sa kaniyang saloobin.

“Absolutely, there are so much loneliness in there as in pahambugan n lng mga Vloggers, instead of being informative,” komento ng isang netizen.

“I actually understand your points Benedict. Ganyan din kasi feelings ko kaya I unfollow most of them and naging selective nalang ako sa mga pina-follow kong influencer or content creator online and it feels good for me na di ako na-e-expose sapabonggahan ng mga content creator ngayon sa mga vlogs nila,” dagdag na pag-agree ng isa pa.

“True! Kaya piling pili na lang ang vlogger na sinusubaybayan ko. Yung iba parang ang toxic na.”

“Yesss. True yarn Ben. And totoo na we have our own ways to handle our insecurities pero better na din na if we think it would be easier for us if we minimize yung time natin sa panonood ng vlogs to not feel na may lacking satin, then ayun iminimizenalang natin. And focus on what we are achieving, we have our own time sa pag achieve naman ng mga goal natin in life.😊❤️

“Just enjoy the moment. I'm really happy the way you reflect. I like your style and how you think🙏🥰God bless and more inspiration Benedict Cua!”