Kaliwa’t kanang paghanga ang inaani ngayon ni Nadine Lustre, ang buong cast ng “Deleter” at ang mismong materyal sa nakaka-stress umanong palabas sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ito ang sunod-sunod na flex ng verified Facebook page ng aktres ngayong Linggo kasunod din ng ilang sold-ot na showing nito sa ilang mga sinehan sa bansa.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ilang sari-sariling paglalarawan mula sa mga nakapanuod nang netizens ang mababasa sa ilang social media sites kabilang na ang Twitter.

Anila, “wild,” “stressful,” at “kakaiba,” sa mga tipikal na horror films sa bansa ang hatid ng palabas.

Kabilang sa umani ng papuri ang ilan ding kasama sa proyekto kabilang na sina Mccoy de Leon, at Louise delos Reyes.

Kinilala din ng netizens ang husay ng direktor na si Mikhail Red.

Sa ngayon, wala pang datos sa kita ng palabas sa unang araw ng film fest.

Inaasahan naman na mas maraming manunuod ang dudumog sa mga sinehan ngayong taon kasunod ng mas pinaluwag na Covid-19 restrictions.

Basahin: ‘Partners in Crime’, ‘Labyu With An Accent’, trending; sold-out kaagad ang tickets sa ilang sinehan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, habang usap-usapan ngayon at trending ang “Deleter,” ang paalala ng direktor sa lahat:

https://twitter.com/MikhailRed/status/1606857507875737603