Usap-usapan ngayon ang tweet ni Kapamilya actress Lovi Poe tungkol sa isang sikat na delivery app service, sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Kagaya ng ilang mga karaniwang nais magpadeliver, mukhang nakaranas din ang aktres sa hindi pag-confirm nito para sa delivery na nais niyang gawin; marahil, dulot na rin ng mataas na demand lalo't pagdiriwang na ng Pasko.

Aniya "Ang grab delivery ngayon parang chismis… walang gustong mag-confirm."

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

https://twitter.com/LoviPoe/status/1606494563883175937

Tila naka-relate naman dito ang mga netizen at napakomento:

"Kami nga po nacomplete ang order walang dumating, bawas din sa Grabpay… ayun reported pero walang action ang Grab."

"Parang tricycle din 'yan dati sila ang lalapit sa'yo pero dahil marami na silang pasahero lalampasan ka nila kahit kaway-kaway ka pa. That's the reality. Demand and Supply lang 'yan."

"Kaya nga… kanina pa rin kami nagbo-book pero walang gustong mag-accept kakaloka!"

Samantala, isang delivery rider naman sa naturang app ang nagkomento.

"I'm a Grab rider. Halos po kasi lahat ng delivery rider ay nasa kanilang pamilya kaya po konti lang po ako ang nagrereceive ng delivery."

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang delivery app service tungkol dito.