Umani ng papuri ang Facebook post ng isang netizen na si Mariz Agento, isang estudyante mula sa National University, matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa isang kilalang fast-food chain.

Ayon sa post, aksidenteng natapon umano ng crew ang kanilang inorder na breakfast.

Ngunit nang maalala niya kung paano ang magiging proseso ng ganitong pangyayari bilang isang service crew ay walang ano-ano'y nagbayad siya ulit.

"Napaisip agad ako na 'yung pinasok niya for today is malamang iaabono niya lang since ₱500+ 'yung bill namin so 'di ako nag dalawang isip to pay for it again kasi alam ko mahirap maging service crew sa fast food," caption ni Agento.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bukod pa rito ay kinausap niya rin ang nasa cashier para masiguradong hindi na magbabayad ang crew sa natapong pagkain.

"Kinausap ko yung nasa cashier and made sure na hindi sya magbabayad sa natapon na food."

"Siguro pagod na si kuya or may problemang bitbit. Ingat na lang next time," aniya

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga nagtatrabaho bilang service crew na nagpupursiging iahon ang kanilang pamilya sa kabila ng mababang sahod.

"SENDING VIRTUAL HUGS SA LAHAT NG SERVICE CREW, DESERVE NIYO NG MAS MATAAS NA SAHOD."

Ayon naman sa ilang netizen, "trainee" o bagong salpak pa lang ang lalaki dahil sa kaniyang suot na white shirt.

"Trainee pa lang po si kuya, naka white po kasi siya eh. Kabado din po siguro dahil sa bago lang po siya. Thank you mam dahil kahit ganyan nagawa niya ay napaka bait niyo pa din po at naiintindihan niyo ang sitwasyon. God bless you po," anang isang netizen.

"This is wholesome! In this cruel world, we need more people like you. Stay blessed and kind," papuri pa ng isang netizen.