Kasama ang kapatid na si Sen. Robin Padilla, inang si Eva Cariño at ilan pang miyembro ng kaniyang pamilya, pinakasamayang ipinagdiwang ni BB Gandanghari ang aniya’y tanging hiling lang ngayong Pasko.

Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Dis. 25, ilang tagpo sa pagsalubong ng Pasko ng kanilang pamilya ang ibinahagi ni BB kalakip ang isang madamdaming caption.

“This is all I prayed for this homecoming Precious time with family that no money or the biggest or most expensive gift can replace. Last night was the happiest time I can remember in a long while,” anang online personality habang makikita ang masayang boodle fight na pinagsaluhan kasama ang pamilya.

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

“I don’t think I can describe or even capture on cam how enjoyable the night was, @robinhoodpadilla, @roda_ariki Richie and I laughed and sang for #mama like we were kids again,” dagdag na pagbabahagi niya.

Ikinatuwa ng followers ni BB ang ilang pasilip sa masayang Pasko nito ngayong taon.

“Ang sarap nyan mamsh 😍😋😋 Merry Christmas 🎄❤️🤗!” komento ng isang netizen.

“Happy For you B[b]!” segunda ng isa pa.

Napansin din ng maraming followers ni BB ang aniya’y glow nito kasunod ng kaniyang pagbabalik-bansa kamakailan.

Umabot na sa mahigit 4,400 ang reactions ng naturang post sa pag-uulat.