SAN NARCISO, Quezon -- Dalawang rider ng motorsiklo na parehong walang helmet ang namatay at tatlong sakay ng mga ito ang nasugatan nang magkabanggaan ang kanilang sinasakyang motor habang binabagtas ang kahabaan ng San Narciso-Buenavista Road sa Barangay Guinhalinan.

Naganap ang insidente, Sabado ng hapon, Disyembre 24.

Kinilala ang biktima na si Mergelito Lingahan, 39, mangingisda at residente ng Sitio Bacolod, Barangay Manlampong, at Benedeck Palles, menor de edad, estudyante, at residente ng Barangay Guinhalinan, kapwa sa bayang ito.

Sa ulat ng San Narciso Police, dakong alas- 4:50 ng hapon, si Palles at ang kanyang back rider ay sakay ng Suzuki motorcycle at binabaybay patungo sa town proper nang makarating sa kurbadang bahagi ng kalsada.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nawalan umano ito ng kontrol at aksidenteng nabangga ang motor ni Lingahan na binabaybay naman ang kabilang lane.

Pareho silang nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan at sa kasawiang palad, idineklarang dead on arrival sa San Narciso Municipal Hospital.

Sugatan sina Bryze Banayado, 17, estudyante; Areston Avila, 38, at Rodino Liquin, 26. Si Banayado ang back ride ni Palles, habang sina Avila at Liquin ang back ride ni Lingahan.

Dinala sila sa parehong ospital para magamot.