NUEVA ECIJA -- Isa ang patay at ang isa pang sakay ang sugatan sa naganap na aksidente sa kahabaan ng Barangay Capintalan, Carranglan dakong alas-2:30 ng hapon, Araw ng Pasko.

Sinabi ng Nueva Ecija Police na ang mga sangkot na sasakyan ay L-300 utility vehicle at dalawang single na motorsiklo.

Agad na rumesponde ang mga maintenance personnel ng Department of Public Works and Highways sa mapaminsalang aksidente sa kalsada.

Sa inisyal na ulat ng Nueva Ecija 1st District Engineering Office response team na nakatalaga sa lugar, sinabing binabaybay ng L-300 na sasakyan ang kahabaan ng Daang Maharlika nang mabangga nito ang dalawang motorsiklo, na ikinamatay ng isa sa mga sakay sa lugar habang ang isa ay nagtamo ng mga pinsala sa katawan at isinugod sa ospital.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Dinala ng isang service vehicle ng DPWH sa himpilan ng pulisya ang mga motorsiklong sangkot sa pagbangga.

Tumulong din ang team sa pamamahala ng daloy ng trapiko at nilinis ang pinangyarihan ng aksidente para sa kaligtasan ng ibang mga motorista.