Sa pagsapit ng Pasko at sa nalalapit na Bagong Taon may kanya-kanya tayong mga plano at paghahanda kung paano natin ito i-cecelebrate. 

Ika nga nila iba nga raw magdiwang ng kapaskuhan at Bagong Taon sa Pilipinas. Dahil dito maraming mga Pinoy mula sa ibang bansa ang umuuwi at nagbabakasyon sa 'Pinas kapag sumasapit ang buwan ng Disyembre. 

Bonggang saya at ngiti naman kasi ang hatid sa bawat isa lalo na kapag kapiling ang mga mahal sa buhay, ang mismong pamilya. 

Kaya naman natanong ng Balita Online ang ilang mga celebrities kung ano ang mga plano nila sa Pasko at Bagong Taon. Narito ang ilan sa kanilang pahayag:     

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Markki Stroem: “I have work. I have radio, “The Morning Rush” (RX 93.1) Monday to Friday from 6:00 to 10:00 am so I have to wake up the Philippines every morning. Sa New Year, baka may events. There a lot of people in a radio station we cannot leave during Christmas. Parang kawawa naman yung mga hindi nagleave. So lahat kami kailangan all together. Work together during Christmas season.”

Nadine Lustre: “Plans for this Christmas ah…I don't really ah…any big celebration naman po pag Christmas. Usually nandoon lang sa bahay lang simple lang po talaga ang celebration.”

Wize Estabillo: “Plans ko this Christmas and New Year of course spend ko sa family ko as always kasi hindi naman kami ganoon kalaking family. So ngayon ang kasama ko na lang Nanay ko, Tatay ko atsaka bunso kong kapatid. Kasi yung sister ko may family na sarili so lagi naman family always sila ang kasama ko every Christmas and New Year.”

Maureen Wroblewitz: “I just wanna spend it with my family.”

Yasmien Kurdi: “Sa darating na Pasko ah… siguro magluluto lang ako ng kaunti para sa aking pamilya. Pero sa 26 plano naming pumunta ng Japan with the whole family.”

Sean de Guzman: “Siguro po mag-Christmas po kami sa bahay lang. Kasi first Christmas namin ng buong family namin together doon po sa bago naming bahay. So bahay lang po kami.”

Jake Cuenca: “After ng Filmfest magsi-Singapore na kami ng family ko.”

Sanya Lopez: “Siyempre nandiyan yung ano yung wala tayong time diba habang wala pang mga ganitong mga celebration so ito yung panahon para magkasama sama uli kami, magreunion, bonding with family and friends.” 

John Nite: “I haven’t seen my family for almost three years kasi nagpandemic, diba? So I am spending my Christmas, Christmas vacation yan sa US. So usual lang simple lang. Nasa LA ako with my family hanggang February ako doon. I might do some gig, some show. So vacation and work at the same time.”

Elijah Alejo: “Right now po simple a get away with the family, simple gathering, out of town. Kasi hindi po ako puwedeng magout of the country. Kasi super hectic po ng schedule ko right now.”

William Thio: “Bilang anchor wala talaga kaming ano eh, bakasyon. We work 31, 1 ganun so I’m gonna end up working.” 

Joaquin Domagoso: “I’m gonna spending Christmas with my family lang in Manila chill lang po kami, chill chill lang kainan. Sa New Year yun talaga nag-a-out kami. Last year we went to hotel, nag-Solaire po kami and this year I feel we’re going out of town naman. Hindi ko pa sure, pero yun.” 

John Gabriel: “Actually, traditional Christmas na ginagawa namin. Usually every year maghahanda kami sa bahay. Namimigay kami we’re doing like charity events sa labas. Namimigay kami sa mga street people, mga children, iba ibang tao sa labas. Sa New year, salo salo with the family. Walang plan na mag-out of town. Salo salo traditional Christmas and New Year celebration lang.”

Alma Concepcion: “Family lang, family lang. My mom is here from the States, Cobie is back from the States, my Kuya is here from Japan my younger sister is back from the States. So it’s only quality time. Sila yung umuwi. Siyempre family time. Basta magkakasama kami it doesn’t matter kung saan bahala na. Pero we’re planning to go to Tanay and maybe Baguio. Basta malalamig na lugar. Pampanga naman kami sa New Year.”

Lovely Rivero: “I will be spending my Christmas with my family, friends and loved ones. And just being in the moment diba. Kasi this is the time na medyo we have a little break from work. So finally enjoy their company and be with them and enjoy simple things with them. Specially by January back to work din naman for teleserye. So meantime, I really wanna just chill kumbaga. I also have kasi relatives from the States who are coming my brother, sister and niece so they are coming over end of December, first week of January. It’s all about family. So family time for me.”     

 

Gerald Santos: ”Napakasakit din nun sa akin, napakahirap na Christmas time pa New Year time pa ako aalis. But I don’t have a choice I accepted this (as Thuy in Miss Saigon in Denmark). Ang hirap naman na hindi ko lang ia-accept ang project just because of that. I can celebrate with them in advance naman alam mo yun. Yun na lang siguro yung gagawin ko and we can do Zoom or a video call during those time. I can still join the family gathering kahit online ako virtually diba. So mas madali na iyon kesa mapakawalan ko yung opportunity uli na ito na kumbaga maiwagayway uli ang watawat ng Pilipinas sa Europa.”