Dahil na rin sa banta ng BF.7 Omicron subvariant ng coronavirus, nanawagan nitong Sabado ang Malacañang na sumunod pa rin sa health protocols ngayong holiday season.
"Bagamat maluwag na ang restrictions para sa mga pagtitipon, malaki pa rin ang maitutulong ng pagsunod sa health protocols paramaipagdiwangang Pasko at bagong taon nang may mabuting kalusugan," ayon sa Facebook post ng Office of Press Secretary (OPS) nitong Sabado.
Inabisuhan ang publiko na magsuot pa rin ng face mask, maghugas ng kamay at ipairal ang social distancing kung kinakailangan.
"Mahalaga rin ang pagpapanatili ng airflow sa ating mga bahay para hindi madaling kumalat ang sakit," banggit ng OPS.
Binanggit din ngMalacañang ang kahalagahan ng pagiging bakunado bago makipagkitasa mga kaanak at kaibigan ngayon Kapaskuhan.
Ang anunsyo ay inilabas matapos kumpirmahin ng DOH na mayroon nang apat na kaso ng BF.7 Omicron subvariant ng coronavirus sa bansa.