Tinututulan ng isang lider ng indigenous peoples sa Surigao del Sur ang isinusulong na pagpapauwi sa bansa sa labi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder upang tuluyang mailibing.
Sa pahayag ni Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Datu Rico Maca, ng San Miguel, Surigao del Sur, malaking insulto sa mga biktima ng kalupitan ng New People's Army (NPA) ang hakbang.
Nauna nang nanawagan ang mga supporter ni Sison na iuwi sa Pilipinas ang abo nito upang tuluyang mailibing.
“I strongly disagree with their proposal to bring the remains of Sison into the country. It’s an insult to the families of the victims of New People’s Army (NPA) executions and killings,” sabi ni Maca sa isang panayam nitong Biyernes.
Binanggit ni Maca na bilang pinuno ng CPP-NPA, responsable umano si Sison sa pagpatay sa mga miyembro ng IP sa lalawigan.
Kabilang aniya sa pinaslang mga mga rebelde ang IP leader na si Datu Bernandino Montenegro Astudillo, 73, sa Barangay Magroyong, San Miguel noong Marso 2020.
Kamakailan, sinabi ni CPP public information chief Marco Valbuena, dapat na iuwi sa bansa ang labi o abo ni Sison alinsunod na rin sa desisyon ng pamilya nito.
Naka-self-exile si Sison sa The Netherlands mula 1987 hanggang sa bawian ng buhay nitong Disyembre 16.
Philippine News Agency