Kinagiliwan ng mga netizen ang paandar ng elementary teacher na si Annalie Gantuangco Chica mula sa Caraatan Elementary School sa Carcar City, Cebu, dahil sa kakaibang pambalot sa Christmas exchange gift ng kaniyang Grade 2 pupils sa kanilang Christmas party noong Disyembre 16.

Sa halip kasi na Christmas wrappers ang ginamit, mga dahon ng saging ang ginawa nilang pambalot sa kani-kanilang mga regalo!

Ayon sa guro, nais niyang ituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng simpleng pamumuhay at pagtitipid sa Pasko.

Wala ring basura pagkatapos ng party at walang mga nasayang na Christmas gift wrappers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Using a banana leaf as christmas wrapper is quite unique! Nakatabang pata ma lesser ang basura after christmas party! What I'm trying to teach my children and to their parents is diskarte sa kinabuhi being simple in life standard bisan Pasko pa ni!!"

"Pasko is still Pasko bisan wala ang makabusog sa ato mata mga palamuti sa palibot! pakapin na lang na sa panahon! What makes pasko a merry Christmas is to give love to others and to yourself!!” saad niya sa viral FB post.

Bukod sa ipinambalot sa exchange gifts, dahon ng saging na rin ang ginawa nilang paper plates para pagkainan.

Hindi ito ang unang beses na may gurong gumamit ng dahon ng saging sa klase.