Magkakaroon na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Mula ₱0.40 hanggang ₱0.60 ang posibleng ibawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Inaasahan namang itataas ng ₱0.60 hanggang ₱0.90 sa presyo ng bawat litro ng gasolina habang ₱0.50 hanggang ₱0.90 ang idadagdag sa presyo ng kerosene.

Kamakailan, inihayag ng Department of Energy na ang price adjustment ay resulta ng paghina ng demand nito sa China dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019.

National

Mary Jane Veloso, may tsansang mailipat na ng kulungan sa Pilipinas

Ito na ang huling dagdag-bawas sa produktong petrolyo ngayong taon.