Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang video clip na nagpapakita ng paghawi ng buhok ni Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Grand Winner Anji Salvacion habang kumakanta sa "ABS-CBN Christmas Special" kung saan di-sinasadyang nasapul nito ang mukha ni Concert King Martin Nievera.
Habang kumakanta kasama ang Kapamilya leading ladies, biglang nag-hair flip si Anji na sumakto naman sa mukha ni Martin. Kitang-kita naman ang facial expression ni Martin nang mahagip ang kaniyang mukha, subalit tila idinaan na lang ito sa pakuwela, at tuloy pa rin sa panghaharana sa Kapamilya leading ladies.
Hindi rin nakaligtas ang facial expression ni Francine Diaz na tila na-bother sa mga nangyari, subalit sabi nga, "The show must go on".
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing wala lang ito kay Concert King at hindi naman ito na-offend sa nangyari, subalit dapat pa rin daw mag-ingat ni Anji sa susunod o ng iba pang baguhang artista. May mga nagtanggol din kay Anji na hindi naman daw siguro sinasadya at masyado lang "OA" ang reaksiyon ng karamihan.
"Unless gag sketch siya, even if it’s scripted, even if wala lang yun kay Martin at game siya sa ganiyang antics… it still feels off. The disrespect. Yan ang napapala pag masyadong inihahalo ang mga starlets sa legends and icons tuwing ASAP. Feeling nila magkaka-level sila."
"Ewan ko talaga kung di sinasadya. Nakatingin kasi siya kay Sir Martin before siya maghair-flip. Knowing how long her hair is and how close sir Martin was, Idk why she decided to do that. Wala din naman sa lyrics ang magtaray-taray eme. Sweet yung message ng song eh."
"OA naman ng reaction eh walang malisya naman yung pag-flip ng buhok ni Anji."
"OA naman ng iba dito halata naman na hindi sinasadya kala siguro ni Anji malayo si Sir Martin."
"So pathetic mga bashers ni Anji mga gigil talaga just to bring her down. The nerve to judge her and calling her foul names because of this 5 second-video clip incident na di nmn sinadya. Hinay-hinay sa PAG-IIPON NG HATRED sa puso baka di maganda balik sa inyo almost 1 year na rin 'yan."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag mula sa kampo ni Anji o maging sa panig ni Martin tungkol dito.