Tatlo pang kaso ng fireworks-related injuries (FWRI) ang naitala ng Department of Health (DOH) simula nitong Biyernes, Disyembre 23.

Apat na ang nasugatan sa paputok simula Disyembre 21-24 na katulad din ng naitalang bilang sa kaparehong panahon nitong 2021.

Hindi na binanggit ng DOH ang pagkakakilanlan ng apat na nasugatan sa paputok.

Dahil dito, nanawagan ang DOH sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

National

Mary Jane Veloso, may tsansang mailipat na ng kulungan sa Pilipinas

Sinabi rin ng DOH na nakaalerto na ang mga ospital sakaling magkaroon ng emergency sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng Department of Trade and Industry ang publiko na bilhin lang ang mga paputok na mayPhilippine Standard (PS) mark para na rin sa kanilang kaligtasan.