Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa₱470.8 milyong jackpot sa isinagawang 6/58 Ultra Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang40-51-35-31-27-50 na winning combination para sa premyong₱470,813,166.00.

Sinabi ng PCSO, posibleng lolobo pa ang jackpot nito sa susunod na bola sa Linggo, Disyembre 25.

Binobola ang nasabing lotto game tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kaugnay nito, napanalunan naman ang₱114,327,454.00 na jackpot ng 6/45 Mega Lotto sa nasabi ring draw.

Nahulaan ng isang mananaya ang winning combination nito na 11-21-01-12-17-03.

Gayunman, hindi pa isinasapublikong PCSO kung taga-saan ang nanalo at kung saan nito binili ang winning ticket.

Idinagdag pa ng PCSO, kakaltasan ng 20 porsyentong buwis ang napanalunangjackpot, bukod pa ang isang porsyentong commission ng ahente.