Humina ang muling pagbubukas ng voter registration nitong Disyembre 12 dahil na rin sa holiday season sa bansa.

Ito ang paglalahad ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco nitong Biyernes.

Mababa anita sa 151,000 botante ang nagparehistro sa iba't ibang tanggapan ng Comelec sa bansa mula nang buksan muli ang registration kamakailan.

"Matumal po talaga ang unang araw ng voter registration...Ang primary attention po nila ay nasa pagtitipon at pahinga," sabi pa ng opisyal.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev