Inanunsyong Manila City government nitong Biyernes na magpapatupad sila ng half-day work suspension ngayong araw, Disyembre 23, at sa Disyembre 29, upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga personnel na maghanda para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Batay sa Executive Order No. 59, Series of 2022, na inisyu ni Manila Mayor Honey Lacuna, nabatid na ang trabaho ng mga city government employees ay suspendido na simula ala-1:00 ng hapon, sa nasabing mga petsa.

“[T]o prepare for Christmas and New Year celebrations after a year of hard work and dedicated public service, city government employees of the City of Manila deserve a little time and opportunity to aptly prepare for the holidays in order to have a meaningful celebration of the season with their families, friends, and loved ones,” nakasaad pa sa naturang kautusan.

Gayunman, hindi sakop ng kautusan ang mga personnel o tanggapan na sangkot sa peace and order, gayundin sa public services, traffic enforcement, disaster and risk reduction management, at health and sanitation.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng national government at mga pribadong kompanya na nasa lungsod, ay ipinauubaya naman ng lokal na pamahalaan sa diskresyon ng mga namumuno dito.